Prolouge

137 6 6
                                    

Umuulan ng niyebe, gabing-gabi na ngunit hindi pa rin dumadating si Blaze. Nasan na ba siya?

Hinaplos ko muli ang aking namimilog na tiyan.

"Maghintay lang tayo ng kaunti anak, alam kong darating din ang papa mo."

Makapal ang niyebeng bumabalot sa siyudad ngunit matiyaga pa rin akong naghihintay sa dati naming tagpuan dito sa may intersection tower, kung saan kami unang nagkita.

Wala nang masyadong tao at magsasarado na ang tower dahil alis-dyis na ng gabi.

"Umuwi na po kayo, delikado kung hindi pa po kayo uuwi lalo na't mas lumalamig ang panahon at delikado yan sa baby niyo."

Pagpapauwi sa akin ng isang nag-aalalang guwardiya dito sa tower habang sinasarhan ang entrance nito.

"Mukhang hindi na naman tayo sisiputin ng ama mo."

Sabi ko habang haplos-haplos ang aking tiyan.
Napagpasyahan ko na ring umuwi at nagsimula ng maglakad.

Manganganak na ako sa susunod na linggo at sabi pa ng doktor ay baka ngayon nang linggong ito ay manganak na ako kaya mabuti pang manatili na muna ako sa hospital.

Ngunit pitong buwan na simula ng huli kong makita si Blaze. Ano bang nangyari na sa kanya?

Patuloy pa rin ako sa paglalakad ng biglang may tumigil na motorsiklo sakay nito ang dalawang nakaitim at nakahelmet na lalaki.

Namalayan ko na lamang ay natumba na pala ako dahil sa dalawang tama ng baril sa may kanang bahagi ng dibdib ko at sa tiyan ko.

Agad namang humarurot ang motorsiklo papalayo. Napaiyak na lamang ako ng mahawakan ko ang tiyan kong puno ng dugo mula sa tama ng baril.

"Ang a-anak ko."

Pag-iyak ko ng mawalan na ako ng pag-asa na mabuhay ang anak ko mula sa tama ng baril na iyon.

"Tu-long. Tu-lungan niyo ako."

Paghingi ko ng tulong ngunit wala na akong enerhiya para makasigaw ng tulong dahil nilalamig na ako at nauubusan na ako ng dugo.

"Someone please..."

Huling sabi ko at alam ko na ito na ang oras ko. Mamamatay na ako kasama ang anak ko.

"Save me..."

Sabi ko habang bumibigay na ang paghinga ko. Wala na akong masyadong maaninag sa paligid. Ni walang sasakyan at taong dumadaan maliban sa isang taong nakaitim na ngayo'y naaaninag ko na sa aking harapan.

"Please- save my ch-child."

Sabi ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Ka-hit ang anak ko- na lang."

Sabi ko at bumaba ito para harapin ako habang nakahandusay dito sa gilid ng kalye.

"Okay..."

"Pero mamamatay ka kapalit ng buhay ng anak mo."

Sabi nito at napangiti na lamang ako ng mapait, mukhang ito na ang huling sandali ng buhay ko.

Paalam anak ko.

.
.
.

"Zero!"

Sigaw ni tita Lisa mula sa kabilang kwarto.

Tumawa na lamang ako habang nagtatago dito sa may aparador.
Akala niya siguro nasa ilalim ako ng malaking lamesa sa kabilang kwarto na dati ko ng pinagtataguan.

Rise Of The Fallen [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon