Sana...

39 1 1
                                    

May dala akong chocolates at roses, ibibigay ko ito sa bestfriend ko. Siguro oras na para magtapat ako sakanya kung ano ang nararamdaman ko para sakanya noon pa.

Pumasok na ako sa school namin.

Pero may biglang lumapit sakin na isang grupo ng mga babae.

"Ang swerte naman ng bestfriend mo! ang gwapo ng boyfriend niya. Nakakainggit naman huhu"

May boyfriend na siya?

Nang makita niya ako, bigla niya akong nilapitan. Ang saya ng mukha niya.

"May boyfriend ka na pala, hindi mo manlang sinasabi sakin." sabi ko sa bestfriend ko.

"Ah sorry best, gusto ko kasi siyang ipakilala sayo sa personal eh, para makilala mo rin siya." sabi naman ni Trixie.

napansin niya ang dala kong chocolates at roses.

"Best! para kanino yan? ikaw ah may nililigawan ka pala hindi mo man lang sinasabi." 

"Ah eto? Wala toh. Wala na kasi yung pagbibigyan ko eh. Absent. Ngayon sana ako magtatapat pero hindi na pwede. Kasi umabsent siya. Baka kasi malanta yung mga bulaklak kung bukas ko pa ibibigay at baka matunaw yung chocolates." pagsisinungaling ko sakanya. Ang sakit.

Ako si Jaden, bestfriend ko si Trixie. Sobrang bait niya, hindi siya maarte, maganda, at simple lang. Hindi kasi siya tulad ng iba. Masaya siyang kasama, at kausap. Mahal ko siya. Mahal na mahal.

Nakita ko kung gaano siya kasaya sa piling ng boyfriend niya. Si Martin ang boyfriend niya. Sikat at gwapo. Hearthrob sa University namin.

Matagal na din sila ngayon. Hindi ko na nga masyadong nakikita ngayon si Trixie eh. Kapag kasi niyayaya ko siyang pumasyal, hindi siya sumasama kasi may lakad sila lagi ng boyfriend niya.

Ilang buwan ang lumipas nang hindi kami nagkakausap at nagkikita dahil lagi siyang busy. Kasama ang boyfriend niya..

Isang araw bigla siyang nagtext sa akin. Ang saya ko. Kahit isang text lang 'yon galing sakanya, nagiging masaya na ako. Ang babaw pero ganito talaga eh.

Pagkakita ko sa text niya..

from: Bestfriend <3

Hi Jaden! sorry kung hindi na kita nakakausap lately. Namimiss na kita! btw, invited ka sa kasal namin ni Martin! hihi engaged na kami! wag kang mawawala dun kung hindi lagot ka sakin. Magtatampo ako. I miss you bestfriend! love you!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Engaged na siya. 

Malapit na sila ikasal.

Masakit.

Ilang taon ko din pinagsisihan ang paglilihim ko sa nararamdaman ko para sakanya.

Kapag kasi mahal mo talaga ang tao, natotorpe ka. Ang bakla, pero oo.

Pinahahalagahan ko kasi ang friendship namin kaya hindi ko masabi sabi sakanya noon.

Kung SANA hindi ako natorpe.

Kung SANA umamin na agad ako sakanya nung una pa lang, edi sana may pag-asa kami. 

SANA ako ang minahal niya.

Sana...

Pero ganito naman talaga ang buhay eh, unfair. Hindi sa lahat ng oras magiging masaya ka at matutupad lahat ng gusto mo. Kailangan nating magparaya. Kailangan din natin MAGSAKRIPISYO para sa mga taong mahal natin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sana...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon