Chapter 25
Someone's POV
"S-SH*T! S-sorry! K-kim?" Natulala ako sa kanya.. Nakita kong namumugto yung mga mata.. Kahit umuulan, kitang-kita sa mata niya ang pagkapula nito kaya bigla kong nabitawan yung payong na hawak ko..
"WAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH~!!!!!!!!!"-Kim. Nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw habang umiiyak siya! O_O
"H-HALA O__O Teka! Bakit? Anong nangyayari? Bakit ka umiiyak?!" Nataranta ako bigla! Lumuhod ako at pinantayan ko siya sabay hawak sa magkabilang balikat niya! Basang-basa na din ako dahil sa malakas na ulan..
Tinakpan niya lang yung bibig niya at yumuko lang siya habang umiiyak.. Naawa ako sa kanya bigla.. Parang alam ko na kung anong nangyari.. Alam na alam ko na...
"M-masakit..."-Kim
Huminga ako ng malalim at dahan-dahan ako lumapit sa kanya at niyakap ko siya.. Oo alam kong mali itong ginagawa ko lalo na't baka makita niya ako pero kailangan niya ng karamay ngayon.. Naaawa ako sa kanya sa simula pa lang.. Alam ko ang lahat! OO TAMA KAYO NG PAGKAKABASA, ALAM KO ANG LAHAT NG TUNGKOL SA KANILA NI ARMAN LENNARD THOMPSON.. Haaaaayyyy...
"U-uhhh... Sorry di ko talent ang magbigay ng advice at ito lang ang magagawa ko ngayon.. Tsk, pasenya na talaga.." Hinagod ko ang likod niya at umiyak na naman siya ng malakas.. Mas mabuti yan, para malabas niya lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon.. Naramdaman kong niyakap niya din ako ng mahigpit.. Tsk, kawawa siya.. Naaawa talaga ako sa kanya...
"WAAAAAAHHHHHHHH~!!!!!! HUHUHUHUHUHUHUHU~"-Kim. Iyak lang siya ng iyak.. Lalong lumalakas ang ulan at buti na lang walang tao dito sa pwesto namin kundi, issue 'to! Ayoko na ng issue, nakakadala na..
Mga ilang minuto kaming ganun hangga't sa tumigil na siya sa pag-iyak at bumitaw na siya sa pagkakayakap niya sa akin kasabay nun ang unti-unting pagtila ng malakas na ulan.. Nakaupo kami ngayon sa may gilid ng kalsada.. Nakatingin lang ako sa kanya habang siya ay tulala.. Nakatingin siya sa kawalan, para bang ang lalim ng mga iniisip niya.. Haaayyy..
"Ihahatid na kita pauwi..."
BINABASA MO ANG
FS B1: FAKE COUPLE [COMPLETED] -Editing-
Любовные романыFAKE SERIES: BOOK ONE Isang ordinaryong babaeng sadista at isang artistang lalaking masungit. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa pag pinagtagpo sila ng tadhana?