CHAPTER ELEVEN

1.1K 36 20
                                    

" ANG BUNSO NG MGA CALVIN "
SA PANUNULAT NI SHERYL FEE

CHAPTER ELEVEN - DREAMING OF THEM

" KAPAG GUSTO MARAMING PARAAN, KAPAG AYAW MARAMING DAHILAN "

"KAPAG MAY TIYAGA, MAY NILAGA "

Kagaya ng magtiyuhing Aries Dale at Lewis Roy, nagsunog sila ng kilay kaya't maluwalhati silang nagtapos sa kolehiyo.

"Hindi naman namin kayo inuobligang magtrabaho agad mga apo, so what's  on that hurry to take your board examination? Magpahinga muna kayong dalawa. Halos katatapos lang ng graduation ninyo." Tanong ni grandma Sheryl ng nagpaalam ang dalawa na mag-take ng exam.

"Grandma hindi naman po sa gano'n, hindi ba mas mabuting mag-exam na lang muna kami bago tumambay kung iyan po ang nais n'yong mangyari? Para naman po matulungan namin ang bawat panig, ako sa kumpanya natin at si Aries sa kanila but how can we do that if we don't have the board examinations certificate. It's one of the requirements iyan grandma and  I know that you know what I mean." Malambing na sagot ng binata, kumbaga parang isang batang naglalambing sa abuela dahil nakaakbay pa ito.

"Hey Lewis what are you doing? Huwag ka ngang parang bata diyan, aba'y dinaig mo pa ang mga maliliit nating pinsan ah." Tukso naman  ni Aries dito lalo at kulang na lang ay magpakanlong ang tiyuhin.

"Tsk! Kung gusto mo aba'y yumakap ka din kay grandma huwag ang sitahin ako. Anong magagawa ko kung malambing talaga ako." Ismid nito na mas nagsumiksik sa abuela.

Gano'n naman talaga silang magtiyuhin, kagaya lang din ng ibang magkakaibigan, magpipinsan,  at ibang samahan o grupo. Sa mga hindi nakakakilala sa dalawa'y malamang iisipin na nagbabangayan sila, pero sa kanilang pamilya at mga kaibigan ay normal na lamang iyun. Knowing about Lewis, he's  not perfect but he's trying his best when it comes to his grandmother.

"Come closer to grandma my dear grandchildren, lahat kayo ay mahalaga kay grandma at maaring yumakap sa akin. But I have to tell you something." Ngiting-ngiti na aniya ng matanda.

Kaya naman agad na lumapit si Aries sa abuela at yumakap sa kaliwang bahagi nito dahil  nasa kanan ang tiyuhin.

"What's  that grandma?" Sabay pang tanong ng magtiyuhin.

"Kailan n'yo ako bibigyan ng mga apo na kagaya ninyong malalambing, makukulit, at mapagmahal." Out of the blue ay tanong nito.

"What?"

"Grandma!"

Sabay nilang sambit na napakalas dito mula sa pagkayakap.

Paano ba naman kasi!

Wala pa nga silang  kasintahan tapos apo agad ang tinatanong nito sa kanila?

"Lewis, Aries mga apo ko I'm  just joking okey? Hindi ko naman kayo pinipilit na mag-asawa para magkaroon kayo ng anak. Pero mas matutuwa ako kung may social life kayo. Ang huli kong naaalala na lumabas kayong dalawa ay noong kaarawan yata ng kaibigan ninyo but that was months ago. I'm not saying na maging lagalag kayo pero mga guwapong nilalang kayo aba'y huwag n'yo namang ipagkait iyan. Hala kayo mamaya niyan tatandang binata kayo diyan." Hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa labi nito.

Paano kasi!

Gumaganti lamang daw sa mga apo!

Na naghaharutan sa harapan ng kanilang abuela!

But...

When the two of them realised what's  their grandma trying to say, nag-usap sila sa pamamagitan ng mata and without a word, binuhat nila ito na parang papel saka isinasayaw-sayaw. They having fun at all! Na baka kung hindi pa sila sinaway ng mga bagong dating na sila Rhayne at ang pamilya nito ay hindi pa sila tumigil sa kalokohan.

ANG BUNSO NG MGA CALVIN BY SHERYL FEE( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon