COPYRIGHT © August 2014
-----
May sarili na akong bahay, at sariling kotse. Talagang pinag-ipunan ko ito para lang mapagawa ng maganda at makabili ng kotse ko. Di ako maluhong tao pero sa daang araw na lumilipas, ito lang ang mga gusto kong maabot ko.
Ito ang aking pangarap. Pangarap kung saan kasama ko ang magulang ko. Iyan lagi ang sinasabi ko sa aking nanay.
"Nay! Balang araw, magkakaroon tayo ng sarili nating bahay, di na tayo titira sa ibang bahay para lang makahanap ng warm sa body natin. At iyon ang tutuparin ko. Pagbubutihin ko talaga ang pag-aaral para sa inyo ni itay!" yan lang ang pinangako ko kay inay at iyon din ang pinaghahawakan niya sa nakalipas na panahon.
At ngayon, natupad ko na ang pangarap ko-pangarap namin, di na ako maghahangad ng kung ano pa. Masaya na ako sa ganitong takbo ng buhay namin. Kontento na ako kung saan ako ngayon.
"Mars, promoted ka nanaman! I am so proud of you. You took several years to achieved all these things, and I can see one day you'll become a model sa future child mo." she congratulated me. Siya lang ang bukod tanging nakakaalam sa buhay ko. Siya lang din ang taong nariyan para damayan ka anytime and anywhere mo gusto. That is my forever bestfriend.
"Thank you, Mars! Alam mo naman kung bakit ako nagsisikap diba? Di ko 'to mararating kung wala akong encouragements mula sa inyo, lalo na sa magulang ko." Pagsasaad ko. Laking gulat ko, na sa ganitong edad na 27 ay nasa higher position na ako. Na-promote ulit ako. Di ko inaasahan na darating pa ang araw na ito na sobrang daming blessings na nakukuha ko.
Oo maraming naiinggit sa akin kaso di ko talaga alam kung ano ang kainggit-inggit sa akin. Hello?? Sila kaya may kaya sa buhay, ako hindi. Sila, magaganda. Ako, hindi. Hay ewan! Basta konteto ako tapos ang usapan!!
"Ang bait mo talaga, Mars! Mag hanap ka na nga ng mapapangasawa mo. I'm sure he will proud of you." tatawang comment ng bestfriend ko.
"Mars, you know what I am going through right? Wala sa isip ko ang mga ganyan bagay, besides wala pa ngang boyfriend, asawa agad. Nagpapatawa ka talaga. Haha" sabay kami tumayo, at lumabas ng office namin para sana makapagpahinga lang saglit. Pagod na kasi kami sa kakatrabaho. Makukuba yata ako rito kung di ako mag rerelax. :)))
"Yeah right! Paano ka makakahanap ng boyfriend eh kung sub-sob ka sa trabaho. Sige ka! Di mo mabibigyan ng apo sila auntie at uncle niyan" 'yun na yata ang pinakaweird na sinabi ng bestfriend ko. Hay! Wala talaga sa plano ko ang mag-asawa. As if naman agad agad akong makakakuha ng partner in life no.. Tsk!
Masaya naman kasi buhay ko eh. Nandiyan ang love ng family, friends at colleagues ko. So what kung wala akong boyfriend nor husband right? Kakulangan ba 'yun sa pagiging babae? O.o
"Hay bahala ka nga diyan sa pinag-iisip mo. Tara na at bumili na tayo ng kape para magising naman ang kaluluwa mo! hahaha" pag-iiba ko ng topic. Ayaw ko kasi ng attention. I'm not an attention seeker. Kaya as long as my chance akong tumakas sa attention, I'll make sure na makakatakas ako. :) Ganun akong tao.
Pagkabili namin ng kape, agad na kami bumalik sa opisina namin at nagkanya-kanya na kami ng ginagawa.
The last thing I knew eh, nag-alisan na pala ang mga colleagues ko at isa-isa na silang nagpapaalam sa akin. They used to call me "ma'am" respect kumbaga. Pero lagi ko silang sinasabihan na "call by my name" nalang kasi di naman kasi magkalayo ang age gap eh. Kaso mga makukulit. Baligtad ang mga utak, hanggang ngayon nasanay na sila sa ma'am sa sentence kapag ako ang kausap nila. Haha! Hay mga weird...
Its 6:30 in the evening na, at may tumatawag narin sa akin sa phone ko.. I check it out and ang lumabas na caller i.d. is my inay..
Sinagot ko naman iyon at ayun nga, pinapauwi na ako dahil delikado na raw sa daan pag ganitong oras. Nag-ayos narin ako para makaalis na. Iilan nalang ang mga nakikita kong tao rito sa opisina at 'yung iba ay binati ko na aalis na ako at saka lumabas ng opisina.
BINABASA MO ANG
One Day (One-Shot) COMPLETED
Short StoryHappiness can always be experience. Once you are happy, there comes a time that it will vanished. But it will always be remain in our hearts and in our minds. It took only ONE DAY. Just one day. COPYRIGHT © 2014