Ang Pinagmulan ng Paghahangad kong magka Boyfriend.
2 Days ago :
Nagpunta ako sa Favorite ko’ng Pizza Parlor, itago nalang natin sya sa Pangalang : Greenwich. XD
Ako lang mag-isa, kakauwi ko lang kasi galing kela Kelly, naisip ko lang na gusto ko kumain ng Pizza, kaya napadaan ako sa mall.
Hmm.. Andaming couples, yung totoo? Ako lang talaga yung mag isa at walang ka partner sa lugar na ‘to. Promise!
Oh well, umorder ako ng Solo Pizza.
Pagkatapos no’n dumaan ako sa National Book store, magpapasukan na kasi. Bibili na ako ng gamit.
As usual, madaming namimili, halos lahat naman gamit yung binibili. Kumuha na ako ng mga bibilhin. 10 Notebooks, Pad Paper, Ballpen. Tapos.
At binayaran ko na. Habang nakapila ako, yung nauna sakin, mag Boyfriend, Gamit din sa School yung binili nila. At ang nagbuhat? Yung guy syempre. Gentleman daw eh.
“Nakakhiya naman, ikaw pa nagbuhat eh gamit ko naman yan.” Sabi ni Girl
“Okay lang. kesa naman mahirapan ka.” Sabi ni guy
Suuuuuuuuuuuus. Maghihiwalay din kayo.
Bitter? Hindi ah. Hahaha Medyo
Napansin ko mula pagpunta ko ng mall, ay! Mula pala pagsakay ko ng Bus, hanggang sa mall, at pagdating ko sa bahay, Puro couples nakikita ko. Couple Day ba ngayon? Nag eexist ba yun?
Haaaaaaaaaaaaaaaay. Sana ako din may fafa. </3
Mula nun, hindi muna ako naglalalabas ng bahay. Pinagtitripan ata kasi ako eh., Puro nalang couples na sweet na sweet yung mga nakikita ko -.-
Bakit nga kaya Wala akong Boyfriend? Di tulad last year, Pumayat na naman ako kahit papaano eh. Humaba na din yung buhok ko. Pag nagpopost ako ng Selca ko, andaming nagsasabi na ang Ganda / Cute ko daw. Pero bakit ganun? Haay. Siguro nga tatanda na ako ng dalaga. Pero hindi pwede! Sana naman, maexpirience kong magka Boyfriend kahit sandali lang.
After nun, nagbukas ako ng Facebook, Yung isang Facebook ko yung ginamit ko. At nag post ako sa isa sa mga Group. Ang name ng group ay : Wanted : RS / BF / GF / Ka Close Wanted Kahit ano.
Wanted : Boyfriend
Fake Boyfriend, I will pay you. Salary is Negotiable.
If Interested, Please DM or Text / Call : 0926-6770-371
Yan yung post ko, Hindi naman ako umaasang seseryosohin nila yang post ko eh. Basta kahit isa lang, sana mapansin yan. Yung seryoso sana, baka kasi pagtripanlang ako, ibuko din na Fake lang kami.
Tapos nun, may nag PM sakin.
*pop* /Facebook chat tone
Rain Tsang : Hi ate, pa accept po, pwede? J
Inaccept ko sya.
Rain : Thank you ^^
Me : No worries. J
Rain : Nabasa ko yung post mo sa group, Ako willing ako J
Oh? Willing daw sya oh.
Me : Are you sure?
Rain : Opo. Sure na sure
Me : Let’s meet then. Kelan ka pwede?
Rain : Ngayon po, pwede?
Me : Are you around Cavite lang?
Rain : Yes, taga wawa ako,
Taga wawa? Wow. Malapit lang samin.
Me : Sa SMR, pwede ka?
Rain : Sure po,
Me : 4PM, sa Food court see you.
Rain : Okay, see you J
-
Nag log out na ako. Hindi ko masyadong sineryoso yung Rain, kasi hindi naman ako nagtitiwala. Sa 100%, 97% ang kutob na binoboktir lang ako neto. At 3% naman yung feeling ko na baka sya na ang aking magiging Fake Boyfriend.
Nag Print ako ng Rules at Agreement if ever na sya na nga yung Magiging Fake Boyfriend ko. Malay mo naman, diba? Nag ayos ako at pumunta na ako ng SMR.
04:15 na, pero wala ako sa Food court, nasa stall ako malapit sa food court. Hinihintay ko sya. Pero di ako umaasa.
Maya maya, may tumawag.
“Hello? Sino ‘to?” Sabi ko
“Ikaw ba si Ianne?” Sabi nung sa kabilang line,
Muntik ko nang sabihin na hindi. Kasi konti lang ang tumatawag saakin ng Ianne, lahat sila yung second name ko yung tawag sakin, which is Rei.
“Ah. Oo, sino ‘to?” Sabi ko
“Ah. Si Rain ‘to. Nasaan ka na? andito na ako, kanina pa. Pupunta ka pa ba?” sabi ni Rain
“Ah oo, Sorry ha. Malalate ako. May ginagawa kasi ako eh.” Sabi ko. 5 na ako magpapakita sa kanya. Tingnan ko kung mahintay nya ako.
“Ah sige, pag pumunta ka, andito ako sa may Food Court, naka White ako.” Sabi nya
“Sige, bye.” Sabi ko then I hung up.
Pasimple ako’ng naghanap ng Lalaking naka white. Bingo! May nagiisang Naka white. Aba, mag-isa lang sya? Akala ko magdadala sya ng tropa nya para makilala nila ako. Yung babaeng desperadang magka Boyfriend.
Pero wala, lumipas ang mga oras, tinitingnan ko lang sya, umorder sya ng Drinks, tapos umupo na ulit, nag sosound trip sya.
Halos mag 5 na, nang mainip ako at naglakad-lakad ako. Tinawagan ko sya
“Hello? Nasaan ka na?” Sabi nya
“Andito na ako, naka Blue ako, nasaan ka ba?” sabi ko kunwari
Tumayo sya at lumingon lingon, hinahanap ako
“Uhh. Nakatayo ako ngayon sa upuan, Naka white ako.” Sabi nya
Tama ang dine-describe nya. Tumalikod ako.
“Naka blue ako, Naka bag pack na pink. Nasaan ka ba?” sabi ko kunwari.
Maya-maya, may lumapit saakin..