"IS THAT what she told you?" Tanong nitong nakangiti sa kanya. Nagtaka man siya ay binalewala na lang niya. Hindi naman siguro siya ipadadala ni Erica sa conference na ito kung hindi kailangan, di ba?
"Excuse me, Sir. I have to check in now." Ayaw man niyang maging bastos pero kailangan na talaga niyang umalis sa harapan nito.
Abot-abot na kasi ang kaba niya, konti na lang at magkaka-onset aFib na siya, hindi siya makahinga sa bilis ng tibok ng kanyang puso. Tumango naman ito sa kanyang supil ang simpleng ngiti. Bahagyang napataas ang kilay niya.
"No problem, Ms. Richards." Sabi nitong sumaludo pa sa kanya gamit ang dalawang daliri. "See you at dinner." Tumalikod na ito sa kanya bago pa man siya makahuma. Napapailing na lang siya. Yeah, sure. If you see me later. Sabi niya sa sarili.
Lumapit siya sa receptionist at ipinakita ang kanyang printed online reservation na ibinigay mismo ni Erica sa kanya. Napaisip pa siya kung bakit nakatingin sa kanya ang receptionist ng may ngiti sa labi. Hindi nakakairitang ngiti ngunit magaan na ngiti, genuine.
"Ma'am, ayos na po ang reservation n'yo. Naka-ready na rin po ang room n'yo. Paki-iwan na lang po ng luggages n'yo dito at kami na po ang bahala. I'll have someone bring it up to your room." Sabi nitong nakangiti. Sumenyas ito panandalian at may lumapit naman kaagad. Kinausap nito ang bellboy. Pinagbilinan ito ng kung ano-ano na hindi maintindihan ni Maelee.
"Pag-abot nimo sa room ni Ma'am, ayaw na paghuwat sa imohang tip kay gi-apil na sa iyahang accomodation, ako nang gi-note dinhi ang imohang ngalan. Pagsu'd nimo sa kwarto nila, ibutang lang ang iyahang mga bagahe didto sa iyahang kwarto, gawas dayon ka pagkahuman. Ayaw pagdugay, basig kasab-an ka ni Sir. Ni-a dinhi ang tag-iya nga iyahang trato. Klaro ba?" (Pagdating mo sa room ni Ma'am, wag ka nang maghintay pa ng tip mo kasi isinama sa accommodation, na-i-note ko na dito ang pangalan mo. Pagpasok mo sa kwarto nila, ilagay mo na lang ang bagahe niya doon sa kwarto niya mismo, lumabas ka kaagad. Wag kang magtagal, baka pagalitan ka ni Sir. Nandito ang may-ari na boyfriend niya. Maliwanag ba?)
Wala siyang naintindihan sa sinabi nito maliban sa Ma'am, tip, accommodation, note, kwarto, bagahe, Sir at klaro. Mukha tuloy siyang tangang nakangiti sa receptionist at bellboy na nag-uusap.
Eto yata yung sinasabi ng Kuya niya noon sa kanya na mag-aral ng ibang salita kasi maaaring mapunta siya sa ibang lugar. Nag-aral naman siya eh, hilonggo nga lang kasi ang gusto niya dahil gusto niyang doon sa Bacolod magtigil, kaya lang ayaw siyang payagan ng Kuya niya na doon siya magpunta. Mabuti nga ngayon at pumayag itong dito sa Manila na lang magtrabaho, nawala tuloy yung chance niyang mapunta at mapatira ng Bacolod.
Gusto niya kasing puntahan yung ikinukwento ng Mommy at Daddy niya na mga lugar na naging saksi sa love story ng mga ito.
Natutuwa siya sa kwento ng mga magulang niya. Kaya ipinapanalangin niya na kahit hindi kapareho ng mga magulang, sana ay makahanap siya ng taong magmamahal sa kanya hindi dahil sa isa siyang Richards kundi dahil siya si Maelee Daine.
"Ms. Richards? Ms. Richards." Napansin na lang niya ang kamay ng bell boy na kumakaway sa harapan niya. Napakurap siya ng mata at pinilig pa niya ang kanyang ulo. Natulala na pala siya.
"Oh. I'm sorry. What was that?" Ngumiti na lang ang bell boy. Mukhang napakabata pa nito para magtrabaho.
"Ma'am, magsunod na lang kayo sa ako." Sabi nito. Naintindihan naman niya ang sinabi nito kahit konti kaya tumango siya at inayos ang kanyang handbag. Tahimik niyang sinundan ang bellboy. Pumasok sila ng elevator ng walang kibuan.
The bellboy didn't attempt to make any conversation with her, so she just followed him without saying a word, and enjoyed the music that was playing from the speakers above them till they reached the very top floor.
BINABASA MO ANG
Before The Next Teardrops Fall
Roman d'amour⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Sa simula pa lang umibig na. Sa simula pa lang umiwas na. Ano ang gagawin kung ang puso ay magkasabay na tumibok ngunit magkaiba ng desisyon? Ano ang mangyayari angnpuso ay sumunod sa dikta isip? Magtutuloy pa...