Ala ala ng Dating Tayong Dalawa

4 0 0
                                    


Naaalala mo pa ba?
'Yung ating nakaraan?
Yung mga pasimple'ng sulyapan?
Yung mga sulatan tuwing tayo'y magmonthsary?
At yung mga surpresang ginawa ko ng ating anniversary?
Naalala mo pa ba?
Yung simpleng pagkakaibigan,
Na 'di nagtagal ay naging pagmamahalan ?
Siguro hindi mo na naaalala kase masyado ka ng busy sa kanya?
Kasi ano pa nga bang halaga ng nakaraan?
Kung ang puso't isip mo ay focus na sa kasalukuyan?
Sorry kung sa unang bahagi ng ating relasyon ay di ko kinaya,
Di ko kinayang ipaglaban ka.
Di ko kinayang hawakan ka.
Di ko naisip ang lahat ng saya.
Ng panahong kasama kita.
Ng sabihin ko sayong "Tapos na tayo."
Ang mga katagang sinabi ko na hanggang ngayon ay pinagsisihan ko.
Nakita ko ang sakit sayo'ng mga mata,
Pero mas pinili ko'ng umalis at iwanan kang nag-iisa.
Hinabol mo 'ko at sinabi'ng "Please 'wag ka'ng umalis."
Pero mas pinili kong itikom ang aking bibig at mas piniling tanggalin'yung pagkakakapit mo saking bisig.
Simula ng araw na yun
Ay 'di na rin kita muling nakita pa.
Hanggang'di nagtagal ay hinanap-hanap ko ang  'yong prisensya.
Nanibago ako ng wala ka
Hanggang saki'ng napagtanto
Na hanggang ngayon ay mahal pa rin kita
Na nagkamali ako ng iniwan kitang nag-iisa
Kasabay ng pagkagising ko sa katotohanan
Ay ang pagbalik mo
Ngunit di ka na nag-iisa
May kasama ka'ng iba
At kitang-kita ko sayong mga mata
Ang saya habang kausap mo s'ya
Araw ang lumipas
Ay kinausap kita
Sinabi ko sayo'ng"Mahal kita at nagkamali ako nang iwan ka."
Tiningnan n'ya 'ko na walang emosyon ang mga mata
Sabay sabing "Wow narealize mo congrats kaso may mahal na kong iba."
An'sakit pala talaga na makita ang taong mahal mong tinatalikuran ka.
Iniwan kang luhaan at nag-iisa.
Ginusto kong magalit sa kanya
Pero napaisip ako,
Sino ba ang unang nang iwan?
'Di ba ako.
Siguro nga karma ko na 'to.
May mahal na siyang iba.
Siguro hindi lang talaga kami itinadhana para sa isa't isa.
Makakalimutan ko rin ang nakaraan.
Masaya na siya sa iba at ayoko ng maging kontrabida sa istorya nila.
Siguro bubuuuin ko muna ang puso kong nagkapira-piraso.
Masakit man ang aming katapusan.
Yung aral nalang siguro nito ang kailangan kong hawakan.
Nasaktan na'ko at ito na rin ang dahilan para matuto ako.
Na 'di porker sawa ka na,
Itatapon mo nalang at di bibigyang halaga.
Tapos pagnakita mong may kasama ng iba.
Para kang tangang hahabol-habol sa kanya.
Dalawa kayong pumasok sa relasyon.
At di pwedeng isa lang ang magdididisyon.
Alam kong nagkamali ako
Pero siguro tanggapin ang kasalukuyan,
At kalimutan ang nakaraan.
Ang pinakamainam na hakbang para sa puso kong sugatan.

Untold Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon