Chapter Two
Gustong pagsisihan ni Carmilette ang pagkain ng cheesecake at pag-inom ng kape sa shop ni Serah kani-kanina lamang. She just went there to make fun of her friend and to kill time as well. Pero dahil siguro sa pagiging magaling na negosyante ay na-uto siya ng kaibigan na bumili ng isang slice ng cheesecake at ng hindi isa, kundi dalawang tasa ng kape.
Instead of sleeping peacefully, she was sitting on the sofa while reading. Trying to read, rather. Hindi niya kasi maintindihan ang binabasa dahil palipat-lipat ang tingin niya sa libro at sa orasan. Pasado alas onse na ng gabi pero wala pa rin si Mico. Hindi naman sa inaabangan niya ito o dahil sa gusto niya itong makita, pero dalawang araw na kasing hindi nagku-krus ang landas nilang dalawa. Aalis ito nang sobrang aga at uuwi nang gabing-gabi. Sa pagkaka-alam niya ay kaya ito bumalik sa Pilipinas ay dahil gusto nitong magtayo ng sariling restaurant. Walang sinasabi si Mico maging ang kuya niya pero malamang ay iyon nga ang inaasikaso ng lalaki.
“Grabe naman sa sipag ‘yon. Ni hindi man lang magpahinga ng ilang araw bago magpakasubsob sa negosyo niya,” sabi niya sa kawalan.
“Hoy!”
Pakiramdam niya ay lumundag ang puso niya sa pagkagulat at napatili nang pagkalakas-lakas. Sinulyapan niya ang magaling na nanggulat sa kanya at nakita niya ang tatawa-tawang kapatid.
Sinugod niya ito at pinaghahampas sa braso. “Buwisit ka! Bakit mo ‘ko ginulat?”
Ngingisi-ngisi pa rin si Luke. “I’ve been here for a few minutes already. I don’t know what’s eating you but you didn’t notice me. Ano ba’ng iniisip mo?”
Nag-iwas siya ng tingin dito. There was no freaking way na sabihin niya rito na concerned siya kay Mico. Teka. Concerned? Saan nanggaling ang kahibangang ‘yon? Hindi siya concerned sa lalaki. In fact, masaya pa nga siya at busy ito sa ginagawa at wala ng oras para magkita pa sila.
“Wala. Iniisip ko lang sina Mama. Nami-miss ko na sila.”
“Eh, ‘di tawagan mo.”
“I did,” she lied. Although nami-miss na niya ang mga magulang, hindi niya talaga tinawagan ang mga ito kanina. “Sana umuwi na sila.”
Kunot-noo siyang tiningnan ng kapatid bago nakakalokong ngumiti. “You called them, yet hindi mo alam na uuwi na sila bukas?”
Natigilan siya roon. The last time she talked to her parents, which was three days ago, ang s'abi ng mga ito ay next week pa sila makakauwi. So paanong nangyari ‘yon? Pero may naalala siyang isang rason kaya siguro mas mapapa-aga ang balik ng mga ito. She inhaled deeply. Kaya niya ‘to. Malalagpasan niya ‘to. Malulusutan niya ‘to. After all, she’s the best actress of the family.
“Oh? Alam mo na? Surprise sana iyon para sa birthday mo sa Friday,” kunwari’y gulat niyang tanong dito. Pinalaki pa niya ang mga mata para ipakita rito na nagulat siya.
Tinapik-tapik siya ng kuya niya sa balikat. “You’re quite good with acting pero hindi ako tanga, Sis.” Napatingin ito sa pintuan. “O, ayan na pala si Mico.”
Tumingin din siya sa pintuan at bigong makita ang lalaking tinutukoy nito.
“Just kidding. Ikaw naman, naniwala ka agad. Nahuli ka tuloy.”
Marahas niyang nilingon ang kapatid at bago pa niya ito masaktan ay tumatawang nagtatatakbo ito paakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila. Sinong nagsabi na ang mga kuya ang nagtatanggol sa mga kapatid na inaasar? Sinungaling ang mga ‘yon. Dahil sa kaso niya, ang Kuya Luke pa niya ang numero unong nang-iinis sa kanya.
Kinuha niya ang librong naiwan niyang nakalapag sa sofa. She should be really sleeping now that she found out that her parents will be coming back home tomorrow. Siguradong maraming baon na kuwento at pasalubong ang mga ito sa kanila.
BINABASA MO ANG
Something About Us (Completed)
RomancePinamaywangan siya ng babae. Hindi niya mapigilan pagmasdan si Milyeta. Madaling-araw pa lang kaya may kadiliman pa rin sa labas, pero parang nagliliwanag sa parteng kinatatayuan nila dahil sa kagandahan ng dalaga. She was wearing a yellow shirt mat...