Thalia's POV
Spell gutom. THALIA. Sobra na akong nagugutom dahil hindi ako masyadong nakapag breakfast. Nagmamadali kasi ako dahil as usual nanuod nanaman ako ng video sa YouTube ni Ricci. Kaya heto ako ngayon, gutom na habang nakikinig sa prof namin. History pa naman ang subject namin ngayon.
"Okay. Class dismiss."
Yehey! Kahit medyo wala akong naintindihan sa mga sinabi ni prof atleast naintindihan ko ang class dismiss. Sorry prof.
Lumabas na ako ng classroom namin at papunta na sa Agno dahil gutom na gutom na po talaga ako. Pero nanlaki ang mga singkit kong mata nang makita kung gaano karami ang tao sa Agno.
No choice naman ako kundi mag Mcdonalds, favourite ko rin naman ang Mcdonalds. Kaya naman naglakad na ako papunta doon.
"Girl, alam mo ba may gwapo daw na service crew ang Mcdo ngayon! Sikat daw sa DLSU eh. Sino kaya yun?"
"Talaga ba?! Tara punta tayo para makita natin!"
Medyo na curious din ako kung sino yung lalaking sinasabi nila. Kasi kung sikat sa DLSU malamang kilala ko yun. Hindi naman sa pagmamayabang pero sikat din ako sa school.
Nang makarating ako sa Mcdonalds, ang haba din ng pila. At mukhang totoo nga ang sinasabi ng babae na may pinagkakaguluhan ang mga tao. Nakipila nalang din ako dahil no choice naman na ako dahil nandito na ako, alangan namang bumalik pa ako sa DLSU.
After 12345678910 years, ako na ang nasa counter! Yehey! Nakatingin naman ako sa itaas para pumili ng kakainin ko. Hindi ko napansin ang lalaking nasa counter din, not until kinalabit niya ako. At lupa kainin niyo po ako ngayon!
Ang nasa counter ay walang iba kundi si Ricci ko! My Ricci Paolo!
"Hi! Nagkita tayo ulit. Hindi ko pa alam ang name mo! What's your name and can i take your order please"
Ikaw! Ikaw ang order ko Ricci!
Diyos ko naging napaka mabait ko naman po sa inyo at si Ricci ang magseserve dakin ngayon.
"Hello, Miss? Okay ka lang?" - Ricci
"A-aah, yeah. I'm okay."
Shocks! Nakakahiya nakatulala lang ako kay Ricci! Earth to Thalia! Comeback!
"So, can i take your order?"
"One oreo, mcflurry, one cheeseburger, one large fries, and one large coke."
"Would that be all, Miss?"
"Yes. That would be all."
"That would be 350 pesos."
Binigay ko naman kay Ricci ang pera ko. At nangnagtama ang nga kamay namin nakaramdam ako ng kuryente.
Naramdaman din kaya niya yun?
"Thank you for ordering, please wait your food at the side."
Hinintay ko naman ang order ko sa gilid at syempre tanaw na tanaw ko parin si Ricci. Mahirap na baka mamaya niyan may lumandi sa kanya.
Habang hinihintay ko ang order ko sa kanya lang ako nakatingin. Once in a lifetime opportunity ang makita at masilayan si Ricci. Kaya namab grab lang ng grab!
"Here's your order Miss!"
Sa kasamaang palad dumating na ang order ko at katapusan na ng pagsilay ko kay Ricci. No choice naman ako at kinuha na ang order ko at naghanap ng mauupuan. Nakahanap naman ako ng mauupuan at medyo tanaw ko si Ricci mula sa counter.
Habang kumakain naman ako hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya, sobrang gwapo talaga! Medyo naiinis ako kapag ngumingiti siya sa mga customers! Dapat kasi sakin lang yang ngiti na yan eh! Akin lang!
Tapos na akong kumain at nakatingin parin ako kay Ricci. Bigla ko naman naalala ang sinabi niya kanina.
"Hindi ko pa pala alam ang name mo, Miss?"
Naglabas naman ako ng papel mula sa bag ko at sinulat ang buo kong pangalan.
Thalia Mikaela Torres
Nang matapos akong ayusin ang sarili ko, naglakad na ako pabalik sa counter.
"Excuse me, pwede makisuyo."
Tawag ko sa isang service crew. Lumapit naman ang service crew sakin.
"Yes po Miss?"
"Pwede mo ba itong iabot kay Ricci Rivero?"
"Ah! Sige po no problem!"
"Thank yoy! Sige, bye!"
Nang malakabas naman ako sa Mcdobalds tinignan ko muna sa may glass window ang lalaking pinagbigyan ko ng papel habang inaabot niya ito kay Ricci. Tinanggap naman ni Ricci ang papel at binasa ang nasa loob.
Then, the next thing he did made my whole system turned upside down. Tumingin sa glass window si Ricci at nagwave ng hand sakin habang naka ngiti!
My god Ricci! Dahan dahan naman dahil hindi kinakaya ng systema ko!
Isang fangirl moment nanaman ang ilalagay ko sa diary ko!
YOU ARE READING
HIS Fangirl || Ricci Rivero Fanfiction || Book 1 Of HIS Series || MAJOR EDITING
Hayran Kurgu"I'm leaving, Mr Rivero. Masaya ka na ba? Masaya ka ba na nasaktan mo na ako ngayon? Masaya ka ba na wasak na wasak na ako ngayon? Masaya ka ba na iiwan na kita ngayon? Kung masaya ka na sige iiwanan na talaga kita kasi ganoon naman talaga diba? Fan...