Neopolitan Manila Medical Center
9:00 AM, ER Pit
Dio Mondragon:
Pinagmamasdan ko lang ang pagdaan ng mga tao, yung pagtakbo nila, yung mga aligaga, yung mga duguan at meron ding umiiyak.
Araw-araw ganito ang senaryo dito sa ospital. Araw-araw may tinatakbo sa ER. Pero nitong mga nagdaang araw ay parang mas naging makabuluhan ang bawat araw ko. Lalong lalo na pag nakikita ko ang Sky ko.
Hindi lang siya parang bughaw na tela na puno ng ulap, isa din siyang liwanag.
Mula sa Nurse Station ay pinagmamasdan ko si Sky na nagtatahi ng sugat. May head lac ang pasyente niya. Bawat galaw nito ay pinapansin ko. Mula sa pagtaas ng kanyang kamay, sa pag kamot niya ng kanyang ilong at paghawi niya sa kanyang buhok. Kahit alam kong on-call siya kagabi at wala pang ligo, nai-inlove parin ako sa gagong ito. Nakapangalumbaba ako sa counter habang pinagmamasdan ang langit na malapit sa akin.
Nagtama nga ang aming mga mata, kinindatan ko ito at sinuklian lang niya ako ng irap. Nginitian ko lang ito.
"I wanna take you home" mahina kong tugon kahit na alam kong di naman niya ito maririnig.
Lumapit ito sa akin saka ibinundol ang charts sa aking dibdib.
"Yung bed 3 nangangailangan ng cardio consult"
"Babe, relax. Umagang umaga galit ka nanaman. Kulang ka lang sa romansa"
"Dio? Seriously? Kanina ka pa po nakatunganga dito. Baka gusto mo pong tumulong ano?"
"Ninanamnam ko lang naman yung bragging rights na maging boyfriend mo. Swerte mo ah"
"Wow! Iba din, diyan ka na nga"
"Love you babe"
Binalingan ako nito at nakita ko ang dirty finger niya. Siraulo talaga tong jowa ko.
Saan ba talaga nagsimula ang lahat?
8 months earlier:
NMMC Board Meeting
Nasa gitnang upuan ako sa long table, nakikinig sa presentation ni Ced habang naglalaro ako sa phone ko. Wala noon ang Chairman kaya naman nagagawa ko ang gusto ko.
"Will you stop that asshole" suway ni Paul sa akin kaya naman pinandilatan ko lang ito.
"As I was saying, magkakaroon nanaman tayo ng mga bagong interns"
Parang nagpanting ang tenga ko noon.
"Kelangan ba?" sarkastiko kong tugon.
"We are a teaching hospital, of course Dio" sagot sa akin ni Paul.
"Why?"
Magsasalita na sana si Cedric noon kaso inawat siya ng magaling kong pinsan. Tumayo ito at pumunta sa harapan.
"As the Chief of Surgery of this Hospital, it bothers me to see figures justifying that our residency program is inefficient. Since 2005, when this hospital partnered with Johns Hopkins it has come to my attention that no resident coming from the Cardiothoracic specialty became a full pledge surgeon or an attending. Not one"
"Kalokohan"
"No Dio, this is based on facts" pinakita nga niya sa akin ang statistics kaya naman medyo nahiya na ako. "It goes to show that you are not an effective Chief of your Department, ibig sabihin - banban ka. Just like when we are studying medicine abroad. Well di na natin ipagkakaila ang galing mo sa OR, but you're not a good mentor."
BINABASA MO ANG
One in a Million Chances (BoyxBoy)
RomanceIf you've given a one in a million chance to go back in the past, will you grab it? May mga bagay sa mundo na kailangang i let go. May mga bagay rin na kailangan mong kumapit. The cycle of life is waking up, letting go & holding on. Mahirap kalabani...