💍Trouble 16: Pagbabago💍

820 63 7
                                    

Hating Bakla
(SHERIDAN)
by imrodsy23
Trouble 16




Present time...



MAHINANG tapik sa pisngi ni Sher ang nagpamulat sa kanya mula sa pagtulog---o mas tamang sabihin, pagtulug-tulugan.

"We're here," ang baritonong boses ni Calvin. Napatingin siya rito at saglit na naglakbay sa mukha nito ang mga mata niya.

Ah, walang nagbago mula noon maliban sa pag-mature ng kutis at nagkukulay bughaw na pisngi dahil sa inahit na balbas at bigote doon. At s'yempre, idagdag na ang pagtangkad pa at ang mas tumikas na tindig.

"Uy, teh!" nang mula sa gilid ni Calvin ay sumungaw ang atribidang mukha ni Rolanda. "Bumaba ka na! Pinagbuksan ka na nga ng pinto ni ser Calvin e. Help mo na ako rito sa pag-alalay kay Don Ronaldo. Baklang 'to!"

Napakunot-noo siya, akmang bubuka ang bibig nang hulihin ni Calvin ang kamay niya.

"Do your job, Rolanda," malamig na parungit ni Calvin. "Hindi ba't gabi ang duty mo kay Dad?"

Kung paano siya napanganga, ganoon naman ang pagkatameme ni Rolanda pero napapaingos na tumango. "Okay, ser."

At walang kaabog-abog na pinangko siya ni ser Calvin. "Sir! Anong---teka!" Napakapit siya sa balikat at likod ng batok nito.

Kaya naman hindi na napansin ang pagsimangot ni Rolanda sa likuran ni Calvin.

"Be my guest tonight, sweetheart. Ihahatid kita sa guest room." Masuyo nitong sabi at pabalyang isinara ng paa ang pinto ng sasakyan.

Bahagya siyang napapitlag at kailangan pa niyang iiwas ang mukha sa binata upang itago ang nag-iinit niyang mukha. Hindi dapat nito makita na mahina pa rin siya sa harapan nito... gaya ng dati. At hindi na rin niya kailangang sagutin ang bawat matatamis salitang lumalabas sa bibig nito.

Sweetheart... Baby... Hindi lang iilang beses nitong ginamit sa kanya ang ganoong endearment. At dapat ay masaya siya gaya noon sa Isla Pribado nang minsang mapagsolo sila. Pero ngayon ay sinusupil na niya ang nabubuhay na sigla sa puso niya.

Paano na lang kung pagbigyan niya ang sariling mangarap at paunlakan ang kilig, ngunit sa dulo ay masasaktan din lang siya. Iyong kapag nasangkot siya sa isang gusot na hindi nito nagugustuhan ay tiyak na iiwan siya nito ulit at pararatangan nang 'di pinakikinggan ang paliwanag niya.

Hindi sa kanya ito maniniwala.

Gaya ng pagtawag ni Juan sa cp niya kanina. Nagalit agad ito at nagtanong pa nang may pagdududa.

"Ibaba mo na ako, Sir..." aniya sa pinatabang na tono. Nasa malawak na sila ng malaking bahay.

Ngunit tuloy-tuloy itong hahakbang patungo sa marmol na hagdan. "Alam kong napagod ka rin sa kasal ni Justine at kuya Jude kanina. Gusto kong mabawasan ang pagod mo at magpahinga na rin."

Pasimple siyang lumunok at kumurap ng ilang ulit. Kung bakit habang kinakalaban niya ang kalabog sa dibdib ay lalo naman iyong sumisidhi. Ang sinabi nito ay walang prenong tumatagos sa kanyang puso. Iyong pakiramdam na gusto ulit niyang maniwala na totoo iyon. Iyong pagnanais na manatili na lang siya sa mga bisig nito buong gabi... at sa mga susunod pang gabi kung maaari.

Subalit hinamig niya ang sarili. Bakit pagdating kay Calvin ay hindi niya napipigilang isama ito sa kanyang pantasya at pangarap?

"Kaya ko pa naman ang sarili ko," sa halip ay iyon ang naging sagot niya. "Ibaba mo na ako. Hindi pa ako inbalido..." pagdiriin niya at sarkastikong idinagdag: "Isa pa'y caregiver ako sa ama mo at ikaw ay amo ko, dapat ay alam mo ang limitasyon sa pagitan nating dalawa... Sir."

Bakla 2: Hating Bakla : SHERIDAN (GayRomance) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon