Funfair

10 0 0
                                    

Hello readers! One of my reasons why I wrote this story is because I want to broaden my skills through writing. I hope you read this guys! I am not typically good in writing but I'm trying to enhance for more improvements. You can now read this.

Tagalog:

Nagsimula ang lahat nang sumali sa isang gawain si Angel. Dito unang nakita ni Angel si Redcel at unang kita pa lamang ay agad na itong nahulog. Ngunit higit pa siyang nahulog nang pinakitaan at pinaramdam na ni Redcel ang kaniyang kabaitan,pagmamahal at pagiging palakaibigan. Sa tuwing kinakausap ni Redcel si Angel pati na rin ang mga kasama nito ay tila ba na panay ang titig ni Redcel kay Angel kaya naman hindi makatingin nang maayos si Angel kay Redcel. "James, alam mo ba na laging tumititig sa akin si Redcel? Hihihi." Sabi ni Angel sa kaniyang kasama. "Huh? Huwag ka ngang umasa eh talagang ganyan naman talaga kapag kinakausap ka. Syempre titignan ka niya kasi nga magkausap kayo." Tugon naman ng kasama. "Iba pa rin kasi ang pagtitig niya sakin eh. Hahah kinikilig talaga ako! Hahaha." Sabi muli ni Angel. At hinayaan na lamang ng kasama si Angel dahil doon siya masaya.

Nang pauwi na si Angel sa kanilang bahay habang naglalakad siya ay iniisip pa rin niya ang nangyari. Sobra kung kiligin si Angel dala na rin ng kanyang labis na pagmamahal kay Redcel.

Madalas ay nasa isipan na ni Angel si Redcel at hindi na niya ito malimutan. Hanggang sa mga bagay ay binibigyan niya ng kahulugan. Tulad ng kanilang pangalan na magkatugma (RedcEL at AngEL), Kanilang mga apelyido, at maging sa kanilang petsa kung kailan pinanganak. Inakala pa niya ay pareho silang mayroong numerong 9 ngunit nagkamali si Angel dahil ang numero ni Redcel ay 5. Ngunit hindi pa rin nawawalan ng pagasa si Angel sa kanyang malakas na nararamdaman kay Redcel.

Isang araw, nagalit si Redcel kay Angel dahil sa ito ay nagkamali. Masyadong dinamdam ito ni Angel kaya naman makikita sa kaniyang mukha ang kalungkutan. Hindi mapagkakaila na dito na nagumpisa ang pagkamuhi ni Redcel kay Angel. Nadisappoint si Redcel sa nagawang kamalian ni Angel kaya naman nawalan ito ng tiwala sa kaniya. Ngunit, hindi pa rin naging daan iyon para hindi na magustuhan ni Angel si Redcel kundi nagpakatatag pa rin siya alang-alang sa kaniyang nararamdaman.

Lumipas ang isang linggo ay nagkita muli ang dalawa sa isang selebrasyon at biglang naramdaman ni Angel ang kaba dahil sa iniisip niya ang kaniyang pagkakamali. Mas lalong nasaktan si Angel nang hindi man lang siya pinansin ni Redcel kaya nalungkot nanaman si Angel. Nagumpisang magsulat ng kanta si Angel tungkol sa kanilang dalawa ni Redcel at tila inspirado itong magsulat dahil sa mga pangyayari na tumatak sa kaniyang puso't isipan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 10, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Funfair: A Carnival PlayWhere stories live. Discover now