Chapter 1

29 2 0
                                    

Jack Sebastian's POV

"Jack, tara na check up mo na." Aya sakin ni Mama. Pupunta kami sa cardiologist ko. Meron kasi akong sakit na... Ah ewan basta lumalaki yung puso ko tas anytime pwedeng mag collapse tapos boom dead balls na ako.

"Heto na po, Ma." Sinuot ko sweater kong may hoodie. Kinuwa ko na rin ang bag ko para maka alis na kami.

"Ma, pano kung last day ko na to?" Palagi kong tanong sa kaniya yan kada umaga. Paulit ulit lang din sagot niya 'Ready na tayo diyan anak'.

Sinuot ko ang earphones ko at umupo na sa front seat ng kotse.

Naka rating na kami sa clinic ng cardiologist ko. Andun na mga naging kaibigan ko dahil sa paulit ulit na check up.

"Oy si James ala pa?" Bungad ko sa kanila.

Yumuko si Kiko. "Di na daw babalik yo'n." Sagot nito.

"Seryoso?!" Masigla kong sinabi. "Magaling na siya?"

"Hindi, Seb, wala na siya." Natahimik kami ng sabihin ni Kiko 'yon.

"Ano ba 'yan, siya nauna sa race natin!" Sabi ko sabay tawa.

"Kiko, tama na sa pag iyak, tanggap naman na nating mabilis tayong kukunin diba?" Hinimas ko likod niya.

"Oo nga naman, Kiko." Sabi ng isa pa naming kaibigan.

Umupo ako sa tabi niya at nag kwentuhan kami.

"Clara Edosma." Tawag ng assistant ni Doc.

Tumayo yung babaeng nasa sulok. Naka mask siya kaya di masyadong halata mukha niya.

"Oy Kiko, sino yung bago?"

"Si Clara pre, tulad ng iyo tsaka matag..." Hindi niya natapos sasabihin niya ng mag salita ako at yung sinasabi niyang katulad ko eh yung sakit.

"San daw naka tira?" Tanong ko. Na curious lang ako bihira kasi yung mga babae dito ewan koba.

"Taga probinsya ata yan, malayo dito. Halata naman sa pananamit eh." Sagot nito. "Ba't type mo?"

Napa ngisi ako ng tanungin niya ako! "Nahhh, sayang panahon sa mga babae, tsaka mabilis lang buhay natin sasayangin pa ba sa kanila?"

"Tinanong ko lang naman kung type mo dami mo pang sinasabi." Ngumisi siya.

"Jack Sebastian Atienza." Sigaw ng assistant.

"Hala nauna ka pa samin? Maduga!" Angal ni Kiko.

Ngumisi ako. "Technology, Kiko. Tumawag agad si Mama sa assistant ni Doc."

Dumiretso na ako at naka salubong ko yung bagong babae. Nilingon ko siya pero patuloy lang siya sa pag lalakad.

"Kamusta ka naman Jack?" Tanong ni Doc ng makaupo ako sa upuan sa harap ng table niya.

"Walang bago, mamamatay parin." Sagot ko. Ngumisi siya pero pilit.

Sino ba namang matinong doctor yung di tatawa do'n?

Natapos yung session. Paulit ulit, sasabihin yung bawal at chance ko na mabuhay ng matagal. Baka daw umabot pa ako ng twenty one at pag pinalad makalagpas pa ako diyan. Pero twenty na ako at dalawang buwan na lang birthday ko na. Labo no'n.

"Ma, mauna ka ng umuwi. May pupuntahan lang ako saglit." Pumayag naman si Mama. Dumiretso ako sa park.

Humiga sa damo at umihip ng hangin. Pinag masdan ang paligid. Pinanood ang mga tao.

Pag tingin ko sa duyan, nandoon si Clara. Anong ginagawa niya do'n mag isa?

Bigla akong napangiti sa naisip ko. Nademonyo nanaman ang utak ko at dali daliang tumayo at nag pagpag ng damit.

Risking My Ephemeral HeartWhere stories live. Discover now