KALEIDOSCOPE: CHAPTER 11
I.
XIAOJUN
“So, ginawa mo na nga? Nandamay ka pa ng ibang tao na hindi naman sangkot sa problema niyo. Ano ba talagang plano mo, ha? Na paikutin siya dyan sa mga daliri mo hanggang sa ma-kontrol mo na ang emosyon niya?” Salubong ang kilay sa isa’t isa na tanong sa akin ni Gunhang na bahagyang pinagtataasan na rin ako ng boses ngayon.
Damn it. Bakit ba siya nangingiealam? At bakit ba puro negativity na lang ang lumalabas sa bibig nito? Akala ko ba siya ang optimistic sa aming dalawa?
I rolled my eyes heavenwards in annoyance bago ihalukipkip ang mga braso ko at marahan na isandig ang buong katawan ko sa sandalan ng upuan ko.
“Why wouldn’t I? Come on, Gunhang. Bakit ba hindi mo na lang suportahan ang kaibigan mo? Hindi ba’t sabi mo na kung saan ako masaya eh pabor at do‘n ka na rin?” Nanunuya ko namang gatong habang may ngisi sa aking labi na agad na ikinairap at ikinatahimik ni Gunhang na kaharap ko.
“Iba ‘to, Dejun. Alam kong makakasakit tayo ng ibang tao sa plano mo.” Sabat naman niya habang hindi manlang ako sinusulyapan, dahilan para malakas na lamang akong matawa sa sinabi niya.
Kalokohan. Akala ko ba mas matalino ‘to sa akin? Hindi na ba niya alam na paghihiganti ko sa isang tao ang inaprubahan at sinalihan niya? Kailan ba walang nadamay o nasaktan na ibang tao sa paghihiganti?
A heavy sigh escaped from lips as I closed my eyes in disbelief.
“Phooey. I’m just saving the new prey while the predator is still busy on his act kaya tumigil ka na sa kakadakdak at sermon dyan. Masama na ba talagang magmalasakit ngayon sa kapwa?”
Bahagya na lamang akong napapitlag nang bigla kong marinig ang pagkalansing ng mga kutsara na nasa tasa ng kape namin na sinundan ng malakas na pagbagsak ng isang bagay sa nasa harapan kong metal na lamesa ngayon, tulay para kaagad nitong makuha ang atensyon ng mga iilang estudyante na kasama namin dito sa cafeteria.
“Tigilan na natin ‘to. Ayaw ko na. I’m out of this shits.” Akmang aalis na sana ang nakatungo pa ring Gunhang nang agad naman akong sumabat kaya’t napatigil din siya sa kanyang paglalakad.
“Tigil na agad? Ayaw mo na agad? Ah, oo nga pala. You’re a coward, now I understand.” Taas-kilay kong panunuya sa kanya. Namataan ko ang mariin niyang pagkuyom ng kamao bago humarap sa akin muli at itinunghay ang kanyang ulo, tanging galit at pagkadismaya lamang ang makikita sa mukha niya.
“Naririnig mo pa ba ang sarili mo? Ano bang akala mo sa amin? Isang marionette na kaya mo buhayin at paglaruan sa daliri’t kamay mo? Isang marionette na ikaw ang magdedesisyon sa gagawin at magpapagalaw para sa sariling kasiyahan mo? Snap out of it already! Gusto mong maghiganti sa lahat ng pait na ipinaranas niya sa ‘yo pero bakit gano‘n? Bakit parang ipinapasa mo yata lahat ng pait na ‘yon kay Chittaphon? Sa ginagawa mong ‘yan, parang naging anino ka na lang ni Jaehyun. You just took advantage of someone’s weakness.” Ramdam na ramdam ko ang galit at inis sa bawat letra’t salita na binibitawan niya, animo’y mga kutsilyo na lumilipad at paulit-ulit na sumasapul sa katawan ko dahilan para unti-unting manghina at bumigat ‘to.
Putangina.
Bakit ang sakit? Bakit may kirot?
Pakiramdam ko’y biglang bumigat ang dibdib ko, ni hindi na ako makahinga pa ng maayos at maluwag, parang may bumabara sa lalamunan at baga ko. Para akong nauubusan ng hangin na pwedeng singhapin.
BINABASA MO ANG
Kaleidoscope » Jaeten ✧
FanfictionKA•LEI•DO•SCOPE \kə-ˈlī-də-ˌskōp\ noun - : a tube that has mirrors and loose pieces of colored glass or plastic inside at one end so that you see many different patterns when you turn the tube while looking in through the other end: a changing patte...