Hindi pa din ako makapaniwala sa nangyari kahapon, napuno ng apoy and paningin ko kasabay ng pagalala kung paano na ang kinabukasan ko. Hindi ako makapaniwala sa isang iglap wala na ako pamilya.
Buong maghapon akong uiiyak at hindi makausap, natutuliro ako kapag naaala ko ang nangyari. Magisa ako sa bahay dahil inaasikaso na ng Mandrake Transportation ang mga bangkay ng pamilya ko. Sasagutin nila lahat ng expenses na kakaylanganin.
Mas pinili kong pumunta sa bahay at mapagisa nagbabakasakaling nandito na sila paguwi ko. Binuksan ko ang electricfan at ang TV, umupo ako sa sofa tulad ng parati kong ginagawa kapag umuuwi ako ng bahay. Tila malungkot ang bahay, walang kulay, walang ilaw tanging ang ilaw lamang ng tv ang nakikita ko. Tulala at dahan dahang bumubuhos ang luha ko. Pagod na akong lumuha para bang naubos ang tubig sa katawan ko dahil lahat ay iniyak ko na.
“Tinatayang tatlungpu ang namataang namatay at 2 ang nasugutan sa sumabog na bus sa kahabaan ng San Fernando Ave. . . .” tuluyan nang bumuhos ang luha ko agad kong pinatay ang tv
HINDI MAARI!!Si Tita Myrna ang nagasikaso ng lahat ng nangyari, sya lang din ang kinakausap ko at wala nang iba mas nagtitiwala kase ako saknya kaysa sa mga kamaganak ko. Nung mga panahong nabubuhay ang pamilya ko ay kung ano ano nalang ang sinasabi nila saamin ngayong namatay sila ay parang nagpapakitang tao lamang.
“Yvette, sabi ng Mandrake ay magbibigay daw sila ng 200,000.00 bawat tao na namatay sa aksidente. Dahil tatlo ang satin ay makakakuha ka ng 600,000.00 pessos” tumingin ako sakanya at bumalik sa pagkakayuko“Ano ang balak mong gawin doon” tanong nya saakin. Iyon ang gusto ko kay Tita Myrna kinukonsulta nya ako sa mga desisyon tulad nito. Bestfriend sya ni mommy at sya ang kasama kong nagluluksa at nakakaintindi saakin, Marami sa mga kamaganak ko na nagsasabi na wag akong maging malungkot. Pero Paano! Paano ako hindi magiging malungkot kung nawalan ako ng Magulang at isang Kuya.
Nung nakaraan ay tinanong nya ko kung susuriin pa daw ba ang katawan ng pamilya ko hindi ko na iyon tinuloy para saan pa hindi naman nila mababalik ang buhay ng pamilya.“Tangapin natin Tita Myrna, magaaral po ako” maikli kong sagot sakanya pero alam ko kulang yun para sa apat na taon na pagaaral ko. Hahanap pa ako ng paraan
Ayon sa imbestigasyon ay luma na daw ang battery ng bus iyon daw ang nagsimula ng pagsabog. Kaya pala umuusok ang bus noong huminto kame para umiihi. Ako lang ang bumaba noon dahil naiihi ako iniisip ko kung hindi ako bumaba ay kasama ko na sila ngayon at hindi ako nagiisa.
Hindi ko na alam kung paano ako sa mga susunod na araw. Hindi ko kaya parang mas gugustuhin ko nalamang na sumunod sakanila. .
BINABASA MO ANG
Siblings
RomanceYvette's Family died after the bus explosion incident. She became independent, alone and lonely but one day she met Ms Olympia, One of the business tycoons in the Philippines. Yvette agreed to be part of Ms Olympia's Family. She met her kuya Zabdiel...