Yvette POV
“Gusto mo ba iyan iha?” Napatingin ako sa nagsalita kanina pa kase ako nakatingin sa Cake na nakadisplay. Lunch time na at nandito ako ngayon sa Mall hindi para kumain kundi para makalimutan ang gutom ko pero sa halip na makalimutan ang gutom ko ay mas lalo pa ata akong nagutom.
“Nako hindi po may tinitignan lang po ako” mabilis kong sinabi sakanya, ngayon ko lang Nakita ang isang matanda na may magara ang suot.
“Halika iha samahan mo ko, Kakain ako ngunit wala akong kasama” sabi nya at patuloy na lumakad papasok sa restaurant
“Hindi naman ako nagugutom mam”sabi ko pero sa totoo lang kanina ko pa pinagnanasaan tong cake na to. “Kung gusto nyo po samahan ko nalang kayong kumain”Kunwari ka pa Yvette!
“Nako Iha! Wag ka nang makulit! Sumunod ka na sakin” tumigil sya sa paglalakad at nilingon ako. Sumama naman ako agad sakanya
Marami syang inorder na pagkain at hindi ko alam kung mauubos ba naming yun dalawa, oo wala akong nagawa kundi kumain.
“Malapit ka lang ba dito nakatira iha. Namamasyal ka siguro”Sabi nya sakin
“Hindi po maam,sa tawid lang po ang school ko lunch break lang po namin kaya nasa mall ako ngayon mamayang 2pm po may klase na po ulit ako”sagot ko sakanya habang ninamnam ko ng palihim ang mga pagkain. Dahan dahan kase sya kumain kaya nahihiya ako kung magiging masiba ako sa pagkain.
“Nagaaral ka pala ano ang kinuha mong kurso?”sabi nya.
“Business Administration po major in Marketing po”ang dami naman nyang tanong kumakain ako eh.
“I am Olympia Certeza iha, anong buo mong pangalan?” ibinaba nya ang kutsilyo at tinidor na hawak nya pinunasan nya ang kanyang bibig gamit ang panyong nakasabit sakanyang kwelyo at iniabot nya ang kanyang palad at akmang makikipagkamay saakin
Agad kong pinahid ang kamay ko sa aking pantalon at inabot ang kanyang kamay. “Yvette Simmone Anastacio po. Pwede nyo po akong tawaging Yvette or vet”
Maraming kulobot ang kamay nya dahil siguro sa kanyang katandaan pero mararamdaman mong malambot ito at halatang hindi naghuhugas ng pingan o naglalaba man lang.
Maya maya ay may lumapit na dalawang lalaki nakasuot ng puti at itim na pantalon. Hala! Kikidnapin na ba ako?
“Maam President, handa na po ang sasakyan”sinabi ng isang lalaki kay Maam Olympia.
“Yvette mauuna na ako, Ubusin mo nalang yan o kaya ay itake out mo” Inayos nya ag gamit nya at tumayo sa kinauupuan nya
“Wait lang po maam, wala po akong pambayad ng ganito kadaming pagkain”dahan dahan at nahihiya kong sinabi sakanya. Namodus ata ako nitong mayaman na ito.
Mahina syang natawa “Wag kang magalala bayad na iyan lahat” sabi nya
- -
Pumasok na ako sa sa eskwela, scholar ako dito sa malaking university sa Maynila kaylangan lamang ay mamaintain ko ang mataas na grades para hindi ako makaalis.
“Hoy Betbet!” Napairap ako ng narinig ko ang boses ng isang lalaki. Alam na alam ko kung kaninong boses yun.
“Ano nanaman ang kaylangan mo Joseph?” isang matangkad at matipunong lalaki. Kung titignan mo sya ay mahuhulog ka agad sa kanyang panglabas na katangian pero madidismaya ka sakanyang ugali. Lord bakit nyo po sinasayang ang mga ganitong itsura sa iba nyo nalang po ibigay!

BINABASA MO ANG
Siblings
RomanceYvette's Family died after the bus explosion incident. She became independent, alone and lonely but one day she met Ms Olympia, One of the business tycoons in the Philippines. Yvette agreed to be part of Ms Olympia's Family. She met her kuya Zabdiel...