GABRIEL's POV
Grabe ang sakit ng katawan ko. Hindi ko na alam kung anong nangyari basta ang sakit ng balakang ko at pati na rin yung ulo ko. Ay TEKA?!!!!! NASAN AKO??!!!
"Oh gising ka na pala? Okay ka na ba?" parang pamilyar yung boses na yun ah?!! Dali dali akong bumangon sa kamang kinaiigaan ko at umupo.
STEPHEN?!!!!!! DALI DALI AKONG TUMAYO KAHIT ANG SAKIT NG KATAWAN KO. POTEK BAKIT ANG BIGAT NG KATAWAN KO?!!??
"Oy 'wag ka muna tumayo. Medyo mataas pa yung lagnat mo." pag aalala niya. TALAGA BA?!! NAG AALALA KA?!!! HNGGGGGG
PERO TEKA?! AKO MAY SAKIT?! ANYARE BA?!!
Hinawakan ko ung leeg ko. Ay potek ang INIT?!! Sinuri ko kung nasaan ako. At sa tingin ko clinic 'to sa loob ng school. Infairness maganda siya. Malinis at mukhang mafefeel mo talaga ung comfort at peace sa loob nito.
Habang nag mamasid napadaan ako sa mukha ni Stephen. Mukhang nag aalala siya. Anyare?!! Eh kanina nga halos ipapatay mo na ako sa titig mo eh. Tsaka bakit pa siya nag abalang dinala ako sa clinic. Sana hinayaan niya na lang ako nakahandusay sa locker room na yun. Pero bakit ganito parang nakaramdam ako ng something. Bakit kaya niya ako dinala rito?? Eh diba galit siya sa akin?
"Bakit ako nand- dito?" Pambasag ko sa katahimakan.
"Ahm nang lapitan kita kanina nahimatay ka. Hindi ako nakagalaw agad kaya bumagsak ka sa sahig." sabi niya in a angelic voice. ANGELIC VOICE TALAGA?!??? BAKA DEMONIC AT MAY BALAK YAN MAMAYAA HNNNGG
Bumalot ulit ang katahimikan sa buong paligid ng matapos siyang mag salita. Gusto kong basagin ulit ito pero tila nag yelo na ako sa puwesto ko at naghihintay na lamang ng himala na nay pumasok sa pinto at basagin ang katahimikan.
At tila narinig nga ako ni himala. May isang guwapong lalaki ang pumasok sa pinto. Puti ang suot niyang damit. Matangkad na sa tantsya ko ay nasa 5"10. Maputi, ang amo ng mukha, medyo malaki yung katawan at sa tingin ko ay mas matanda lang siya sa akin ng konti.
"Oh so Mr. Medina, you're awake. Are you feeling well? Kanina medyo mataas yung lagnat mo kaya pinabihisan agad namin yang basa mong uniform." Ang angeliiiiiiic ng voice. Grabe para akong hinihipnotismo. Ang bait niyaaaa.
Ah so kaya pala iba na yung damit ko. At teka don't tell me pati underwear ko pinalitan din nila. Agad agad kong sinilip ang underwear ko. Ay potek iba na nga. So kaninong mga damit to????
Nasa ganoong posisyon ako ng magsalit ulit yung gwapong nurse.
"Ahm kung nag tataka ka kung bakit nagiba damit mo. Basang basa ka kasi kanina at sa tingin ko iyon ang nag palagnat sa katawan mo. Yung damit mo pinadryer na at mamaya maya ihahatid na yun dito." pahiwatig niya.
Ang bait niya sobra. At teka bakit hindi pa umaalis itong dragon na ito? Don't tell me may balak nanaman ito. Tama na grabe na baka mamaya napakahandusay na lang ako sa kanto. Nakakatakot talaga itong mag kuya na ito.
Maya maya ay lumabas na ang nurse matapos niyang i check kung may sakit pa ako gamit ang thermometer.
Tinignan ko kung anong oras na ba? OMG!!! 11 NA. PATAPOS NA SECOND SUB KO!!!! Kahit masakit ay pinilit kong tumayo para makapunta na sa second sub ko. Nakita ko ang bag ko sa tabi ng dragon. Ika ika akong lumapit dito ngunit ng hahawakan ko na ang bag ko ay hinawakan niya ang braso ko.
OMG!!! Tila nanginig ako ng magdampi ang balat namin. Dahan dahan akong lumingon sa kaniya. Ang talim ng tingin niya. Grabe nakakatakot siya sobra.
"San ka pupunta?" tanong niya pero hindi galit.
"Sa ro- room" nauutal kong sabi.
"Huwag ka munang pumasok after na ng lunch ka pumunta sa third subject mo" sabi niya.
BINABASA MO ANG
STAY WITH ME
RomanceBata pa lamang si Gabriel ay alam niya na na mayroon siyang pusong babae. Kaya't hindi na bago sa kaniya ang magkagusto sa lalaki. Lumaki siya sa hindi mayamang pamilya kaya't magiging pagsubok sa kaniya kung paano niya haharapin ang kaniyang magigi...