Terrence's POV
"Hay." Napabuga ako ng hangin sabay upo sa may gutter. Tinanggal ko ang unang dalawang butones ng polo ko at itinaas ko ang manggas.
Madami ang tao sa loob. Kaka simula pa lang kasi ng party. Ayoko sanang pumunta kaso pinilit ako nina Papa. Hindi naman ako sanay sa mga ganito eh dahil labing walong taon akong namuhay sa hirap kaya bago pa ako sa lahat ng ganito.
Kaka recruit ko lang maging mayaman nung nakaraang taon, nung mamatay ang tunay kong Mama at kinupkop na ako ng bagong pamilya ni Papa.
Ang sarap idaan sa yosi pero wag daw kasi ayun sa doktor 'namin' makakasama daw yun. Isang taon na rin akong tumigil.
Pinagmasdan ko lang ang mga sasakyang paparating. Nasa back gate naman ako kaya di kahiya-hiya ang kinauupuan ko. Medyo madilim din sa bahaging kinauupuan ko. Ang yaman pala talaga ng 'family friend' nila Papa.
Biglang tumunog ang selpon kong bigay ni Tita Cory, asawa ni Papa.
"Brod?" sagot ko sa tawag. Si Drake. Step-bro ko.
" 'Lol! Asa'n ka na? Hinahanap ka!" Bad boy na nagpupumilit maging good ang drama ni Drake.
"Ba't ako hahanapin? Wala naman akong kakilala jan?"
"Tungak! Kaya ka nga hinahanap kasi may ipapakikilala!"
"Drake baby, where is your brother?" Narinig ko sa background ang boses ni Tita Cory.
Nagbago bigla ang boses ni Drake. "He's coming Mom." Animo naging tupa.
Napangiti na lang ako. "Oo, papunta na jan."
Tumayo na ako at pinagpag ang nadumihang pantalon ng biglang parang may hanging dumaan sa balikat ko.
Hindi dahil sa multo, kundi dahil sa isang babae.
Sinulyapan ko ang babae pero nagulat ako sa nakita. Bigla niyang itinago sa isang malaking paso ng halaman ang skateboard niya at tumingin siya sa akin.
Nanunuot sa kalamnan ko ang tingin niya. Sige siya sa pagnguya ng isang chewing gum. Tumaas ang kilay niya at pagkatapos ay itinuloy niya ang naantalang gawain.
Naka black shirt at ripped maong shorts ang suot ng babae at black high-cut sneakers ang sapin sa paa. May dala din itong bagpack sa likod.
May kinuha itong kung ano sa bag at inilibas ang isang white flowing skirt at isinuot na parang wala lang. Di alintana ang shorts. Naka insert dun ang black shirt. Hinubad nito ang sneakers at tinirnuhan ng white pearl-beaded sandals.Tinanggal nito ang anik-anik sa katawan tulad ng bracelets at hikaw. Naglagay ito ng lipstick at konting pulbo. Nagwisik-wisik ng pabango at para sa last touch nito, naglagay ito ng floral crown sa buhok.
Ang layo-layo nun sa naging itsura nito kanina. Bigla siyang tumingin sa akin. "It is very rude to watch someone get dressed." Iniluwa nito ang chewing gum at kinuha nito ang skateboard at umalis. Sinilip ko pa siya sa may gate at bigla lang nitong itinapon sa likod na naman ng isang paso sa loob ng mansyon ang kanyang bagpack at skateboard.
"Kundi ba naman aning-aning. May CR naman sa loob kung doon kaya siya nagbihis. Maayos pa." Inayos ko muna ang damit ko at pumasok na sa loob ng mansyon ng mga Ferrera.
BINABASA MO ANG
Masked
RomancePagod na siyang magkunwari. Pagod na siyang magtago. Will he help her? Hindi siya mayaman. At pagod na siyang makibagay sa mundong pinipilit ng tadhana sa kanya. Will she guide him?