Hating Bakla
(Sheridan)
by imrodsy23
Trouble 17"M-MAGPAPAMASAHE? Sa akin?" naniniguradong tanong ni Sheridan. Baka ay nagkamali lang siya ng pagkakaintindi sa ibig sabihin ni Calvin.
Pero ang makitang tumaas ang kanang sulok ng mga labi ng binata ay sapat nang sagot. Namimilyo iyon at sa pakiramdam ni Sheridan ay nagliparan sa kanyang tiyan ang kaba. Lalo na nang tumitig ito sa kanyang mga kamay at kumislap doon ang pananabik. Wala sa oras na naitago niya ang mga kamay sa kanyang likod.
"I'm sure, magiginhawaan ako sa masahe ng mga palad mo, little tease," ang turan nito sa masuyong tono.
Napamaang siya. "A-Ano?"
Little tease? Ano ang ibig sabihin nito? Wala siyang natatandaang ginawa niya ang bagay na iyon. Awtomatikong napatitig siya sa mga mata nito, subakit walang ibang naroon kundi kislap ng kapilyuhan sabay kindat at simpatikong ngumiti. At halos ay mablanko ang isip niya sa iba pang sasabihin dahil lalo lang itong naging guwapo sa ginawi nito.
Kaya naman nakakahiya kung maririnig na nito ang malakas na kabog ng puso niya. Ah, bakit hindi pa rin nagbabago ang epekto ng presensya nito sa kanya kahit supilin niya?
Umiwas siya ng tingin sa kabila ng nag-iinit na mukha... at pakiramdam. "Hindi ako marunong magmasahe... saka naglalaba ako. P-pagod na ang mga braso ko para maidiin pa sa pagmamasahe---"
"Hindi mo naman kailangang idiin ang palad mo, haplos mo lang ay giginhawa na ako," saka nanunuksong lumawak pa ang pagkakangiti.
Sa kabiglaanan pa niya'y humakbang ito palapit sa kanya at walang pasabing iniyakap ang mga braso sa kanyang baywang. Halos ay mahigit na niya ang hininga sa minsang pagsayad ng hininga nito sa kanyang ilong at nakaawang na mga labi. Kulang na lang nga ay maduling siya sa lapit ng mukha nito.
"Shall we?" iyon pala'y kukunin lang ang kanyang mga kamay sa likod na ikinubli niya kanina.
Ni hindi siya nakapiyok o nakapaghugot ng hininga... at kahit ang paglunok ay sinupil niya upang maitago lang sa paningin nito ang atraksyong nararamdaman niya.
Bakit ganito ang lalaking ito? Bakit kaya nitong palamyain lalo ang kanyang hinahon at pagkabakla? Bakit nauubusan siya ng isasagot at sasabihin?
At lalong lalo, bakit parang nais pa nitong ibilang siya kay Edcelle na kamakailan lang ay kaharutan nito?
Pero ang mga katanungang iyon ay nalunok na lamang niya nang igiya siya nito pasunod sa en suite na karugtong ng silid nito. At kung paano nito napagsalikop ang magkahawak nilang kamay ay hindi na niya napansin.
"Hihiga akong padapa sa sofa bed na iyan at gusto ko, sasakay ka sa likod ng mga hita ko para b'welong-b'welo ang bawat haplos mo sa balikat at likod ko pababa hanggang sa balakang ko." Lahad nito bago binitiwan ang kanyang kamay, saka tumalikod.
"Pero--- Calvin!" bulalas niya sa kabiglaanan nang sadyang dumulas pahubad ang tapis nitong tuwalya. Tumambad ang maputi at makinis na pang-upo, malatrosong mga hita at matitikas na binti. Lalo lang nagrigodon ang kabog ng intensidad sa buong katawan niya. Paano na lang kung bigla itong humarap? Makikita na naman niya ang nakita na niya noong araw na lango ito sa alak. At dahil mas matikas ito ngayon, ganoon din ba ang ikinalaki ng... agad niyang ikiniling ang ulo. Itinaboy ang nanunuksong isip.
"Huwag mo na lang intindihin ang kung anumang makikita mo sa akin dahil meron ka rin naman nito..." pasupladong pahaging na ikinamaang niya.
Ang totoo, naiiskandalo siya bilang baklang kilala ang mga salitang 'privacy at personal space'. Hindi lahat ay kailangang ipakita at ihayag sa iba kahit pa meron ding ganoon ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Bakla 2: Hating Bakla : SHERIDAN (GayRomance) (Completed)
Romance"Nang muli kitang makasama at makita ang mga ngiti mo. Inisip ko na parang masarap lumimot sa galit at ikaw na lang ang isipin ko." Una pa lang... doon sa Dolores High School; nasa puso na niya si Calvin Formalejo. Tinatanaw... hinahangaan at lihim...