Halaga

30 4 0
                                    

Sa paglipas ng panahon,
Maraming nagbabago
Gaya nalang ng singko,
Na naging kamukha ng piso at sampu.

Alam mo kung bakit pinalitan ang singko?
Upang tayo'y matuto,
Matutong tumingin ng halaga,
Kung sapat ba o kulang pa.

Hindi mo ba makita?
O sadyang malabo na ang iyong mata?
Kailangan mo ba pa ng salamin,
Bago tumingin saakin?

Tanga ka ba?
O manhid lang talaga?
Kailan mo ba makikita ang aking halaga?
Kung kailan huli na?

Lumipas ang araw at buwan,
Nabalitaan kong nahanap mo na daw si the one.
Tapos na ba ang one on one?
Ako na ba si The Loser One?

Tuwing napapatingin sa gawi niyo,
Ako'y napapayuko
Siguro ako dapat yung natatawag na tanga,
Dahil patuloy parin akong umaasa,
Umaasa na may mag bago,
Umaasa na mag milagro,
Pero ako'y nabigo,
Walang nangyari, iyon ang totoo.

Nagulat ako,
Isang araw may lumapit sa gawi ko
Nagtataka,
Tinanong ko siya,
"Ano pong kailangan niyo? "
Ngunit ang sagot niya mismo,
"Pwede bang manligaw  sayo? "
Dahilan ng paglundag ng puso ko.

Kantyawan,
Asaran,
Ang aming natanggap,
Ano ba ang ganap?
Pulang pula, ako'y napatingin sayo
Bakit ganon?
Bakit parang may mali?
Ano ba ang nangyari?
Nakangiti ngunit hindi abot mata,
Na para bang hindi ka masaya.

Nagdaan ang mga araw, buwan, hanggang sa naging taon,
Maraming nangyari,
Naging kami ni Azi,
Na siyang sa puso ko'y naghahari
Marami akong natutunan
Natuto akong bigyan ang sarili ko ng isa pang pagkakataon,
Pagkakataon na mag mahal ng iba.

Nagulat nalang ako,
Isang araw ika'y nasa harap ko
"Pwede ba tayong mag-usap? "
Iyong paki-usap
"Gusto Kita" iyong sambit,
Na nagpagulo sakin kung bakit?
Bakit ngayon pa?
Ngayon'g atensyon ko'y nasa iba na?

Ako'y litong lito,
Bakit ba nagkaganito?
Siguro kung noon mo pa sinabi,
Siguro kanina pa ako tumitili.

Pero hindi,
Ako'y nabigo,
iyon ang nararamdaman ko
Kasi.....hindi mo ba nakikita?
Masaya na ako sa piling niya,
Masaya na akong ka-yakap siya.

Bakit ngayon pa?
Bakit ngayong pagmamay ari na ako ng iba?
O sadyang para sayo ay wala akong halaga?
Pasensya na pero huli na talaga.....

Her ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon