“Hi Alphie, May klase ka pa? Pwede sabay tayo maglakad?” Naku naman kung kailan naman na ayaw ko makita dun sya kumakausap, Bakit ba kasi nagagalit ako sa kanya? Nahuhulog ba loob ko? Ayaw ko ma-inlove kasi masasaktan nanaman ako.. Saka kailangan ko na makatapos.
“Sure.” Pumayag na ako sabay lang naman ng lakad saka diyan lang naman sa kanto maghihiwalay na kami kasi paakyat pa sa Building B yung room ko. Kaya ayun sabay na kami lumakad, Awkward.. Di ako nagsasalita sya naman nakatingin lang sakin habang naglalakad.
“Anong next subject mo?” Napatingin ako sa kanya, Pababa na kami ng hagdan.
“Tour 8.” Maikli lang na sagot ko, Ayoko na sana pa magpasama kasi nga may abnormal sa katawan ko eh pag kausap ko sya.. Ambilis ng hininga ko tapos parang ambilis din tumibok ng puso ko.
“Wala pa ko nyan, Baka next sem ko pa makuha.” Naka-smile sya, WHATTT? Ano naman kung naka-smile sya? (Isn’t he adorable?) No! Ano ba heart at brain stop arguing! Nakakainis naman eh. “Ilan kayong magkakapatid?”
“Dalawa pangalawa ako, May kuya ako kasing laki katawan mo.” Kahit wala naman talaga akong kuya, Matakot kaya sya? >.<
“Ah ganun ba?” KROO.. KROO.. Natakot kaya sya? Lapitan pa kaya nya ako? “Gusto ko sya mameet.” WAAA! Anung meet ka dyan? Hindi ka ba natakot!? Baliw ‘to.
“Ah ano papasok na ko babay!” Tumakbo na ako paakyat sa room, Alphie abnormal ka ayan sino i-mee-meet non? Wala ka naman kapatid? Geez.
Nasa room na ako nagrereview, May quiz kasi kailangan ko maka-highest score. ;) Sipag ng lola nyo nuh? Sipagsipagan. Pagtingin ko sa nirereview ko iba yung nakita ko. Teka kay Chris ‘to nagkapalit kami ng notes? Urg!
“Ah hehe.. Uhm Robert, Pwede pahiram ng notes?” Nanggulo ako ng katabi para lang makapag-review kasi naman paano kami nagkapalit ng notes? Kanina malinaw na yung nadampot ko akin, Teka nandoon pa ata sa notes ko nakaipit yung quiz ko na bagsak?!!! NOOO! Makikita nya. Huhu T__T Ang careless ko naman kasi.
Nagquiz na kami second to the highest lang ako. Okay na yun at least naka-taas ako sa iba.
Pauwi na ako, Gusto ko sana makipag-meet kay Ish kasi may ibabahagi ako, Kaya lang nasa inuman pala sya kasama yung iba naming kabarkada. Baka wag na lang kaya eto nagaabang na ako ng masasakyan.
+++
(Jhon Chris Point of View)
Magbabayad nanaman ng tuition fee wala pa akong pambayad, Di pa nagpapadala si Tita. Ano kayang balak nun? Wala pa naman akong sahod ngayon at pa-endo na ako dito..
“Pare gusto mo mag-extra sa pelikula? Pwede ka dito.” Tatanggapin ko ba? May pasok pa naman ako, Kailangan ko kasi ng extra income pano yung pasok ko?
“Saan yan ‘tol?”
“Palabas nila Dingdong brad, Ano?” Magiisip pa ba ako kailangan ko din talaga ngyon.