Pag-ibig ni Karlo

18 0 0
                                    

Karlo

Sa buhay talaga ng tao, may mga marerealize ka..

Tulad ng kagwapuhan ko..

Ako nga pala si Karlo..

Ang hearthrob  ng  GEANHS Main Campus. 

Minsan nakakasawa na rin yung habulin ka ng mga babae.. 

yung binibigyan ka ng mga love notes..

yung kapag dumadaan ka,

kikiligin sila bigla. Pero Masaya naman kasi kahit ganun, napapangiti mo sila.

--

Isang araw, naglalakad ako sa hallway,

kasama ko yung isang kabarkada ko.. 

bigla akong nagsalita, “Pare nakikita mo yung mga babae na yun? Kapag kumaway ako kikiligin yan.”

Bigla siyang natawa ng mahina..  

dumaan na kami sa tapat ng tatlong babae..

tapos  bigla akong kumaway sa kanila at ngumiti.. 

pagkalagpas namin sa tatlong babae na dinaanan namin,

bigla naming narinig ang mga tilian nila..

pagka lagpas naming sa hallway,

Biglang nagsalita ang kasama kong kabarkada,

sabi niya “Ayos ka karlo ha! Edi ikaw na tinitilian..”

Sabi ko,  “Sanay na naman ako pare eh.. araw-araw na lang..”.

Sa dulo ng highway,  May nakita akong babae. 

Sabi ko, “Eto pare! Aakbayan ko pa yan..”  

sabi ng kaibigan ko, “Sige nga karlo.”

Lumapit na ako sa babae na nasa dulo ng highway inakbayan ko siya at kinausap.. 

Sabi ko, “Hi Miss!”

 hindi ko pa tapos ang sasabihin ko, 

bigla na niya akong sinampal. 

Sabi niya ”Bastos ka!”

Sabi ko, “Sorry naman miss.. Hindi mo ba ako kilala?”

Biglang sabi niya, “Wala akong pakialam kung sino ka pa..”

umalis siya bigla.. 

nilapitan ako bigla ng kaklase ko.  

Sabi niya, “Pare tablado ka pala dun eh!”

Hindi ako makapaniwala sa nangyari.. 

wala pang gumaganun saakin..

biglang sabi ko, “Gusto ko siya pare.. mukhang exciting ‘to..”

--

Kinabikasan,

late na naman akong pumasok. 

As usual, papagalitan na naman ako. 

Pagpasok ko sa classroom, biglang nagsalita yung teacher namin.

“Mr. Santos! Everyday ka ng late ha. Malapit lang naman  yung bahay niyo.”

Sabi ko, “Sorry po ma’am. Hindi na po mauulit..”

Biglang sabi niya, “Talagang hindi na mauulit Mr. Santos! Dahil kapag na-late ka pa ulit, baka mapilitan kaming ikick out ka..”

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni ma’am! Naku! Hindi pwede ‘to.

Paano ang mga chicks..

paano na ang kasikatan ko?

Kapag nawala ako sa school na ‘to,

wala nang campus heartthrob at patay ako sa mga magulang ko..

lumipas ang maghapon,

kinausap ako ng Math teacher ko. 

Sabi niya, “karlo! Bagsak ka nanaman sa exam magfo-fourth year ka na next year kapag bumagsak ka pa dito, baka mag-stay ka sa pagiging third year.”

Nagulat ako sa sinabi ng teacher ko saakin. Haay.. 

Hindi pwede mangyari ‘to tsk! Ang hirap naman kasi eh!

Sabi ko, “nahihirapan po kasi akong intindihin yung mga lessongs eh.”

Muling nagsalita ang teacher ko, “Kung ganoon Mr. Karlo,  siguro kailangan mong umattend ng tutorial class ko.”

Haay.. ano ba yan.. wala na akong magagawa.. 

bahala na nga “Sige po sir.” Sabi ko.  “Tuwing sabado ang sessions ha.” Sabi niya..

Itutuloy..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pag-ibig ni KarloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon