Tula #34

35 0 0
                                    

Naglalakad ako ng mag-isa

Tipong hindi na kita kasama

Nalulungkot ng sobra-sobra

Iniisip kung ganito ka rin ba



Dumaan na ang pasko at bagong taon

Pero heto  pa rin ako, hindi makamove-on

Lahat ng galaw mo nilalagyan ko ng malisya

Kahit ang totoo, hindi ka naman sa akin sasaya



Kailan ka ba kasi magmamahal

Para pagmamahal ko sayo'y matanggal 

Sweet ka kasi masyado

Kaya inlove na inlove ako



Magdadalawang-taon na 'tong nararamdaman ko sa'yo

May balak ka ba na saluhin ako?

Kung wala, ititigil ko na ito 

 Nagmumukha na akong talo



Hindi ako titigil sa pagsulat ng tula

May pangalan mo sa bawat kabanata

Pangalang mong hindi ko maisasa-wika

Ngunit sa puso ko ay nakatalaga

Unspoken Poetry (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon