Simula
"Blain let's go". Sabi ko habang inaayos ang mga gamit sa aking bag dahil mukhang malalate na naman kami ni Blain
"Saglit lang tatapusin ko lang ito". Wika ni Blain sabay turo sa screen ng phone niya at nakita kong naglalaro siya
"What?" sigaw ko sa kanya ngunit hindi siya natinag at ngumisi pa ito "Seriously? You're just kidding me, right?" sunod sunod kong tanong sa kanya.
"Hmm. Sa tingin mo?" balik na tanong niya sa'kin habang tutok na tutok sa kanyang cellphone
"Let's Go. Ano ba? Malalate na tayo oh! Anong oras na sa tingin mo?" Sabi ko habang hinihila na siya sa may sofa
"Just wait Leigh, Just give me a fucking minute, okay? Patapos na ito. Just sit for a while and relax" ngumisi pa ito na hindi man lang nangangamba kung late na ba kami o hindi.
Habang naglalaro siya nagpunta muna akong kusina para kumain. Dahil sa kamamadali ko kanina ay nakalimutan kong hindi pa pala ako kumain ng umagahan. Tinignan ko ang cellphone ko at may 30 minutes pa naman at hindi naman siguro kami malalate.
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa may sala at nakita kong tapos naman na siguro siyang maglaro kasi nakatayo na siya sa may pintuan.
"Gotcha! We win Leigh. So let's go?" sabi niya at inakbayan ako ng makarating sa may pintuan
"Yeah. Ang tagal mo at feeling ko malalate tayo neto." inirapan ko siya at tinawanan lang ako
At kung minamalas ka nga naman. Hayss naabutan pa kami ng traffic at hindi namin alam kung anong oras uusad ito. Kasalanan lahat ito ni Blain kung hindi sana siya naglaro laro edi sana hindi kami malalate.
"Tingnan mo na Blain sabi sa'yo malalate tayo dahil sa paglalaro laro mo ng online games na yan eh!" pasigaw kong sabi sa kanya habang siya ay busy sa pagkulikot na naman ng kanyang cellphone
"I don't think so" wika niya at nagkibit balikat ito habang ngumingiti
"Arrgh! Kanina ka pa. Tss pilosopo" sabay irap ko sa ere
Hindi na din naman niya ako pinatulan hanggang sa makarating kami ng school. Nakakabinging katahimikan ang nadatnan namin habang dumadaan sa mga corridor at mukhang kanina pa nagsimula ang klase. Lagot na talaga ako sa teacher namin dahil pang ilang late ko na ito.
Nang makarating ako sa may pintuan ay agad akong napansin ng adviser namin at mukhang kagagaling lang nitong magalit. What a perfect timing Leigh.
"At anong oras na sa tingin mo Ms. Hernaez?" at humalukipkip ito sa harapan ko
"I'm sorry ma'am. I'm late.... again?" painosente kong sagot at baka sakaling makalusot
"Again? Pang ilang beses na ito Ms. Hernaez at mukhang hindi ka interesado sa klase ko kaya palagi kang nagpapalate" pagdradrama ng guro namin. Napaisip tuloy ako dahil tama naman siya. Kung alam mo lang ma'am
"I'm sorry po talaga ma'am. Hindi na po mauulit. Sorry" nagpakumbaba na lang at baka saan pa mapunta ang usapan na ito kapag sinagot ko siya
"Yes. It's okay but you need to go the Guidance Office and get an admission slip" utos niya at ngumiti pa ito. Wtf!
"But ma'am?" pagrereklamo ko. "I'm with........" sabay turo ko sa tabi ko at napansin kong wala na doon si Blain.
Nagulat na lang ako nang makita si Blain sa kanyang upuan. What the? Kanina pa ba siya nandoon? Tiningnan ko siya ng masama, ngumiti lang ito sa'kin at nagkibit balikat.
"You're with?" pagkukuha ng atensiyon ko at nanglaki na lang ang mata ko ng maalalang nasa harapan ko pa pala ang aming guro.
"None ma'am" walang gana kong sagot at umalis na lang doon para kumuha ng pesteng admission slip na yan.
Habang naglalakad ako sa may corridor ay naisipan kong huwag na lang pumasok sa ibang klase ko tutal wala na din akong gana na pumasok pa at sigurado akong mabobored din ako dun kaya napagpasyahan kong dumiretso na lang ng computer shop.
Nasa gate na ako ng biglang may humila sa kamay kp at halos masubsob ako sa kanyang dibdib. Galit ko siyang tinignan at nanlaki ang aking mga mata ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko.
"Where do you think you're going Ms. Hardheaded?" sabi niya sa malamig na tono at nginitian ako ng nakakaloko.
Sasagutin ko pa sana siya ng bigla na lang niya akong hinila paalis ng gate. At sa hindi ko malamang dahilan ay hindi na lang ako nagmatigas at agad na lang na sumama sa kanya, hindi na din ako nag-abala pa ng magtanong kung saan niya ako dadalhin.
"Shit!" bigla na lang akong napamura sa kawalan at nagtaka kung bakit dito kami nagpunta. "Anong ginagawa natin dito?" sumbat ko sa lalaking humila na lang sa akin ng basta basta.