"Happy second anniversary Babe" bati ko sa pinaka mamahal at pinaka gwapong lalaki sa buhay ko. Kausap ko siya ngayon sa cellphone. I want to be with him right here,right now. But it's too late.Time check. 1:00 o'clock in dawn. Madaling araw na, inantay ko talagang mag alas dose kanina para batiin siya ngayong espesyal na araw namin. "Happy second anniversary din, Babe. Sorry dahil busy ako nitong mga nakaraang lingo at buwan. Alam mo naman na maraming gawain sa opisina." Saad niya sa kabilang linya. Halata sa boses niya ang lungko at pag kamiss sakin.
Napabuntong hininga nalang ako. "Naiintindihan ko naman" ngumiti ako ng mapait sa totoo lang ang hirap ng sitwasyon namin dahil graduating ako at siya naman ay busy sa kompanya na anumang oras ay ipapamana na sa kanya ng kanyang ama.
"Well see you tommorow at your graduation ceremony Ms. Zephaniah Erros Lee" sabay kaming natawa ng bigkasin niya ang buong pangalan ko. "Napakahabang pangalan" dugtong pa niya. "Ngunit napaka iksing apelyido."dagdag ko.
Napakahaba ng pangalan na ibinigay sakin ng magulang ko. Ang haba na nga ng first name ko dinugtungan pa ng second name na Erros. Jusko naman. Sa iksi ng last name namin, ay bawing bawi naman sa first name.
"Anyway Zephaniah...... see you tommorow goodnight and sleepwell" napanguso nalang ako dahil sa bigla niyang pag papaalam. Nag paalam na rin ako. Sobrang busy niya talaga. Mabuti nalang ay kahit paano sa araw araw ay may kominikasyon pa rin kami. Kahit isang oras o kalahating oras lang na pag uusap ay masaya na ako.
Anong oras na at hindi pa rin ako inaantok. Nag iisip ako ng bagay na pwede kong iregalo sa kanya ngayong anniversary namin. Pwede naman akong bumili nalang kaso mas maganda siguro kung, pinag hirapan at galing sa puso.
Hmmmmp. Hindi ko alam kung magugustuhan ng boyfriend kong zoon to be CEO ang bagay na naisip kong ibigay sa kanya. Hays bahala na nga.
Tumunog ang alarm clock sa study table ko sa tabi ng higaan. Pilit kong inabot iyon kahit na ang sakit sakit ng mata ko at hindi makadilat dahil sa puyat.
Awtomatikong bumukas ang mata ko ng maaninang ko ang isang bunch of red roses na nakapatong sa study table k0. Napangiti ako at bumangon para kunin iyon.
Happy anniversary Babe. yon ang nakalagay sa sulat sa maliit na papel sa na nakalagay dito sa rosas. He never forgot to sent me a present every speacial days. Napaka sweet naman ni Mr. Christoff Joseph Tan. Natawa ako ng mahina. Nakakatuwa ang mga apelyido namin. At pangalan. Nakapa haba at pag dating sa last name ang iksi naman.
Siguro destiny kami. Haha! Winagayway ko ang kamay ko sa harap ng mukha ko.
Walk up Zeppy. Huwag corny. Tumayo na ako sa kama at marahang inilapag ang rosas sa study table. Kaylangan ko ng mag ayos para sa graduation ceremony namin. Kung hindi malalate ako at baka hindi pa ako makapag martsa sa stage. Apat na taon din ang ginugol ko sa pag aaral ng kolehiyo no.
I just want to prove myself to my family, na hindi sila bibiguin ng isang Zephaniah at ibabalik lahat ng pag mamahal at pag hihirap ng pamilya para mapag tapos lang ako.
Chos...... muntik na akong maging makata. May kaya naman ang pamilya namin, dahil isa ang pamilya ko sa mga maimpluwensyang pamilya pag dating sa larangan ng negosyo.
"Erros tapos kana ba diyan, baka malate ka sa graduation mo." Bunganga na naman ni manang Milagros ang gigising sa buong sistema ko.
"Manang tapos na po, saglit lang." tapos na akong maligo at tapos na rin akong mag bihis. Ako na rin ang nag ayos sa sarili ko hindi na ako nag abalang pumunta pa sa salon para mag paayos sayang ang oras, late na rin akong gumising kaya hindi na ako aabot.
