Chapter 1

34.8K 611 45
                                    

Madison

"No please Kuya!" Napaiyak ako ng saktan ako nito sa mukha. Siguradong mamamaga na naman ito kinabukasan. Palaging ganito si Kuya kapag nakainom galing sa isang bar kasama ng mga barkada nito.

My brother owned the Hans Corporation at ito ang nagmamanage dito. Ok pa naman ang samahan namin until two years ago when our parents died. Ako ang sinisisi nito sa car accident. I was in a field trip that time at hindi sinasadyang nahulog ako noon sa bangin. I was in coma for almost two weeks.

Hindi ko alam na sumunod pala noon ang mga magulang namin para sana puntahan ako sa hospital pero hindi na nakarating ang mga ito. Naaksidente ang mga ito at pagdating sa pinakamalapit na hospital ay dead on arrival na ang mga ito.

Umiyak lang ako ng umiyak ng magising ako at malaman ang nangyari sa mga ito. Halos hindi rin ako makakain. Simula noon ay kinamuhian ako ng aking kapatid. Natuto itong uminom at gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Naging adik ang kapatid ko simula ng mangyari ang bagay na iyon at ako palagi ang pinagkakatuwaan nito.

Palagi akong binubugbog sa kung saan pwedeng maitago ang mga pasang gawa nito pero ngayon ay malakas ang loob nitong sampalin ako dahil summer pa lang naman at walang makakapansin sa pamamaga ng mukha ko kung papasok sana ako sa eskwelahan maliban sa mga kasambahay dito sa mansyon.

I love my brother dearly dahil ito na lang ang natitirang pamilya ko pero palagi ako nitong sinisisi at sinasaktan. Hindi ko naman sinasadyang mahulog noon. Hindi ko iyon ginusto lalo na at kamuntikan din akong mamatay noon.

But I knew my brother better. Palagi itong nagseselos sa akin dati dahil ako ang paborito ng mga magulang namin. I'm smart and talented na wala sa kapatid ko pero hindi naman nagkulang ang mga magulang namin sa pagmamahal rito.

They gave him the Hans Corporation samantalang ang iniwan sa akin ay isang hacienda at ang pagawaan ng mga mamahaling sasakyang M. Hanz ang tatak. My own name but my parents changed the S in the end to Z para daw hindi halatang ako iyon.

Halos dalawang taon na pagmamaltrato at dumating na ngayon sa puntong pagod na ako. Nanatili ako dahil ang akala ko ay magbabago pa ito pero nagkamali ako dahil alam kong wala ng pag-asa.

"Kasalanan mo kung bakit namatay si Mommy at Daddy! Ikaw na lang sana ang namatay Madison! T*ng-ina ka!" Sinampal ulit ako nito dahilan para umikot ang aking paningin bago napahiga sa sahig.

Pinilit kong bumangon pero nanghina ako bago tuloyang lamunin ng dilim.


*****

Nagising ako kinabukasan dahil sa banayad na paghaplos ni Yaya Rica sa balikat ko. Agad akong lumayo. Nagkaroon na kasi ako ng phobia dahil sa panununtok ni Kuya sa akin. Dalawang beses na akong nahospital dahil sa pagkakabali ng ilang buto sa dibdib ko. Some of my ribs were broken.

"Bangon na Senyorita. Wala na ang Kuya mo at pumasok na naman sa opisina. Dinalhan kita ng pagkain mo at gamot. Namamaga iyang kanang pisngi mo. Kailangan nating gamutin iyan." Nakita kong malungkot itong nakatunghay sa akin.

Tinulungan ako nitong makabangon dahil masakit ang katawan ko. Yumakap ako rito saka umiyak ng umiyak. Ang bigat ng dibdib ko at ang sama sama ng kalooban ko.

Hinaplos nito ang aking likuran. Saksi lahat ng mga kasambahay namin sa pananakit ng Kuya ko sa akin dahil minsan ay talagang pinaparada pa nito.

"Tahan na Senyorita." Pag-aalo nito pero mas lalo pa akong napaiyak.

Kung buhay lang sana ang mga magulang namin ay hindi ito mangyayari. Hindi mapapariwara ang kapatid ko at hindi ako nito sasaktan. Pero sawa na ako at pagod na rin. Gusto ko munang magpahinga. Siguro ay kailangan ko munang umalis dito. Masakit iwan ang Kuya ko pero kung hindi naman ako aalis. Malamang ay ito pa ang makapatay sa akin.

Tumayo ako at pumasok sa banyo. I did my morning rituals bago naligo. Hindi na ako kakain pa. Hindi rin naman ako nagugutom. Nag-empake ako ng aking mga damit. Basta ang importante ay makuha ko ang credentials sa dating eskwelahan ko ngayon. Lilipat ako at mabubuhay mag-isa. Lalayo ako kay Kuya at sa mga pananakit nito.

Isang backpack lang ang dala ko. I took my phone, wallet, and car key.

Bago ko lisanin ang mansyon ay tinapunan ko muna ito ng tingin. Mami-miss ko ito ng sobra. Ang daming masasayang ala-ala dito. Na ang dating masayang pamilya ay parang naging impyerno dahil kay Kuya. Mami-miss ko rin ito kahit ganoong naging adik na ito. At huli ay ang mga kasambahay na itinuring na naming pamilya na naging mabuti sa amin.

Dumiretso ako sa eskwelahan at kinuha lahat ng papeles na kailangan ko. Dalawang linggo na lang ay magsisimula na naman ang pasukan. May oras pa ako para tumingin ng matutuloyan at bumili ng mga damit. Kahit naman mayaman kami ay dati na akong simple. Simple things makes me happy. Mas gugustohin ko pang tumulong sa mga charities.

Ng makuha ko lahat ng kailangan ko ay sumakay na ako sa aking sasakyan at pinaharurot ito. I'm gonna leave everything behind. Ang dating buhay ko, ang iilang mga kaibigan ko, at ang lahat ng nakasanayan ko. Nagpapasalamat ako lalo na at wala ng mananakit sa akin.

Nagmaneho ako ng halos tatlong oras at gutom na gutom na ako ng makarating sa destinasyon ko. Tumigil ako sa isang restaurant para kumain. Nagpark ako. Mamaya lang ay mag-iikot ako para maghanap ng villa. Gusto ko sa isang secluded at secured na lugar para kung hanapin man ako ni Kuya. Hindi ito makakapasok unless na may pahintulot mula sa akin.

I put my cap para itago ang namamagang pisngi ko. I applied a light concealer para mabawasan din ang pamumula. Ng makontento ako sa aking hitsura ay saka ako lumabas ng sasakyan. I grabbed my phone and wallet bago ilocked ang aking sasakyan.

Nagsuot ako ng eyeglass para magmukhang nerd. Wala akong diperensya sa mata pero gusto ko lang itago ang mga ito. They are natural brown and they are big dahil may dugo akong banyaga. Pointed nose and pinkish lips. Bagsak din ang makapal kong light brown na buhok at umabot ito hanggang sa beywang ko.

Matangkad ako sa height na five nine. Balingkinitan ang aking katawan at itinago ko ito sa pamamagitan ng pagsuot ng isang louse shirt katulad ngayon. Nakasuot rin ako ng ripped skinny jeans na medyo bitin at adidas na kulay itim at ginto.

Napayuko ako ng pagtinginan ako ng iilang mga costumer sa loob. Alam kong hindi kasi tugma ang damit ko ngayon sa restaurant na ito at dahil umaga pa lang naman ay talagang kapansin pansin kapag may bagong dating. Malamang nagkakape pa ang ilan sa mga ito. I will just order a tea. Sumulyap ako sa aking relong pambisig at nakita kong alas nwebe na.

"Good morning Ma'am! Ano pong order mo?" Nakangiting bati sa akin ng isang waitress.

Tipid akong ngumiti rito. "I'd like to have a cup of tea and a cinnamon roll cake. Thank you."

Umalis na ang waitress at tumanaw ako sa labas since nasa gilid ako at glass wall naman. I just watch there to no particular view. Nakatanga lang ako at nag-iisip.

Ngayon ay mag-isa na lang ako. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung anong gagawin ko. I felt empty. Hindi ko rin alam kung anong naghihintay sa akin kinabukasan. Tumingala ako at tinanaw ang kalangitang maliwanag. Sana kahit wala na ang mga magulang ko ay nandiyan pa rin sila para gabayan ako.


I miss you Mom, Dad. I miss you so much..

Down With Love _Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon