Chapter 6: Friend Zone

20 2 0
                                    

Chapter 6

Athen's POV

"Saan ka na naman pupunta gabi na ah!". Sigaw saken ni tita. Nag papa alam kase ako kase gagawa kame ng project.

"Tita. Gagawa lang po kame ng project. Malapit lang naman po yun." Hehe. Medyo hindi totoo yun kase hindi ko alam kung saan kame gagawa.

"Hindi! Hindi ba't pinag luluto kita ng hapunan. Bakit aalis ka aber!".

"Tapos naman na po ako."

"Aba't! Bahala ka sa buhay mo Athenia! Basta't sinabi ko na sayo. Kapag namatay ka dahil dyan sa pag gala mo hindi talaga kita bibilhan ng kabaong! Itatapon kita sa dagat sinasabi ko sayo!".

Ang advance ni tita mag isip.

"Opo".

" Ayusin mo talaga Athenia. Kapag nalaman kung lumalandi landi ka dyan sa labas. Papalayasin talaga kita!". Inis na sabi nya. At aba! Nag walk out si Madam'.

Naglinis linis muna ako ng bahay habang inaantay si Domin. Sa kanya kase ako sasabay.

Hayst. Sana wala yung monggoloyd na yun mamaya. Nanggi gigil ako. Kainis.

"Ma'am andyan na po yung kaibigan nyo." Yan yung isa sa mga maid dito sa bahay. Sira na talaga ulo ni Tita. Ang daming katulong dito sa bahay saken pinapagawa lahat ng gawain.

"Ah sige ate. Papasukin nyo muna sa salas. Pasabi lalabas na."

"Yes Ma'am".

Pagka alis nya ay umakyat na ako sa kwarto ko para mag ayos ng kunti.

Sa totoo lang gabi na talaga malapit ng mag eight thirty ng gabi.

Pero okay lang nama kase dito da village magkaka lapit lang ang bahay.
Walking distance lang.

"Hayy salamat naka baba' din. Bakit ba ang tagal mo!".

"Grabe naman maka reklamo, Min. Wala pa ngang twenty minutes simula nung dumating ka."

Grabe talaga ang babaeng to' ayaw ang pinaghihintay pero pag ako halos abutin ng isang oras.

"Oo na tara na tara na."

At hinila nya na po ako.

"Saan ba tayo gagawa?".

"Kina Bea, Nia. Dun ang Center e." Haha ang ibig nyang sabihin kung sa lugar namin ang bahay nina Bea ang nasa bandang gitna. Means mas malapit para mapuntahan.

"Naks. Gusto ko dun! Ang ganda ng garden nila. Gusto ko na ulit makita. Pati yung luto ni Tita Marie."

"Hindi lang ikaw ang nagagandahan dun. Kahit kame din. Pero hindi tayo same sa katakawan. Haha"

Simaan ko nalang sya ng tingin.

Sobrang lawak ng garden nina bea sa likod ng bahay nila. Ang daming naka tanim. Napaka refreshing. Masipag kase si Tita Marie mag tanim.

Malawak din naman ang garden namin pero mas maganda kase sa kanila.

"Hayst salamat dumating din kayo. Kanina pa kame nag hihintay. Ang babagal nyo."

"Kung maka reklamo Regie ah. Pustahan tayo kakadating mo lang."

"Hehehe ano kaba Nia. Sila ang nagsabi na ang bagal nyo."

"Na sayo kase ang copy nung mga example kanina di kame makapag start." Paliwanag ni Bea.

"Bakit ba kase hindi kayo kumopya kanina. Tss".

"Sorry naman diba. Ikaw kaya ang Top 1."

"Anong Connect Regie?".

"Sige na. Mag start na tayo. Bea paki sulat yung group natin and yung members."

SmileWhere stories live. Discover now