Oh, p're! Nanjan ka na pala." Ani Neil na nakaupo sa tabi ng table ng Table Tennis. Nagpapahinga siya, napagod siya sa laro namin kanina. Ginawa ko siyang taga pulot ng bola. Tumango ako sakaniya atsaka lumapit. Nakita kong may hawak siyang Crunch na chocolate. Paborito ko 'yan, ah! Bakit mayroon niyan si Neil? Aba ang loko hindi sinabi na may dala pala siyang ganyan.
"Bakit, p're? Namiss mo agad ako? Ikaw ah! May tinatago ba, Neil?" Natatawang sabi ko sakaniya.
"Gago ka talaga!" Pailing-iling na sabi niya saka ay siniko ako ng pabiro.
Inabot niya sa akin ang hawak niyang chocolate, "May nagpapabigay sa'yo." Kinuha ko naman ang inabot niyang chocolate. "Sino nagpapabigay?" Tanong ko habang tinitignan ang chocolate. Kanino naman 'to galing? 7pm na. Puro player nalang nandito sa school para magtraining, wala ng estudyante nang ganitong oras. Kung mayroon man ay hanggang 8 ang klase nila. Nakakapagtaka naman.
Nagkibit balikat si Neil. "Hindi ko kilala. Basta babae. Nakaschool uniform pa nga, e." Aniya saka ay humalukipkip, nakaupo parin sa table.
"Hindi mo na kita yung mukha? Hindi mo kilala?" Tanong ko, takang-taka parin kung sino ang nagbigay. Anong trip ba 'to?
Umiling naman siya. "Anong uniform? Anong course?" Tanong ko ulit.
"Puti, e. Hindi ko na nakita ng maayos kasi tumakbo agad, ninja ata 'yon, e." Sagot niya.
Tinignan ko ulit yung chocolate. Kanino kaya galing 'to? Napansin kong may kulay yellow na sticky note na nakadikit.
Siguro curious ka kung sino ako 'no?
Anyway, text me, maybe? Haha! Text me, Arnold.
09062516107
Ano? Itext ko siya? Eh ni pamasahe nga wala ako, pangload pa kaya?
//
Note: Nainsipre ako sa ibang gumawa ng ganito, kaso hindi text. Chat at letters. Cutie right? So, nag-pop out lang din yung plot nito sa mind ko. (Ang conyo ko.) Hindi niya ako tinantanan at hindi siya nanahimik kaya I decided to type it and publish it here. Nakakaasar talaga, hindi ako pinatulog nitong kwentong ito! Medyo relate kasi sa akin kaya kapa ko yung kwento. May halong humor kasi lol.
Text ang format nito. H'wag na po magpanarrate. Pakiusap lang.
BINABASA MO ANG
Arnold & Crunch (Ineedit ng bonggang-bongga)
Teen FictionArnold. Almost perfect, kung hindi lang masungit. Isang lalaking curious. Crunch. Babae pero kung magtext, bading. Isang babaeng nakakacurious. Nagsimula sa text. Ano nga ba ang puwedeng mangyari kapag ang isang masungit at isang makulit nagkausap a...