Sa aking bayan…
Habang ako’y naglalakad papuntang paaralan
Basura ang unang bumungad sa aking harapan
Ito’y mabaho, marumi at sagabal sa daan
Na maaaring magdulot ng lubhang karamdaman
Sa aking paglilibot…
Saan man mapalingon basura ang nakikita
Ito’y pakalat kalat kahit saan man magpunta
Isa sa Problema ng bayan na dapat lutasin
Na dapat hindi balewalain at bigyang pansin
Bilang isang mamamayan…
Tayong lahat ay sama-samang pananatilihing
Malinis ang ating kapaligirang minimithing
Maging isa sa mauunlad na bayan sa Asya
Gawin ang kaya upang bayan ay kaaya-aya
Sa pagtutulungan ay maiiwasan ang sakuna
Ng baha na dahilan ay pagbara ng basura
Ang maruming kapaligiran ang siyang katakutan
sapagkat hindi ito biro, ito’y katotohanan
Ang Basura ay sakuna…
Basura ang isa sa dahilan ng pagbabaha
Nagbibigay takot, kasawian, lungkot at luha
Dahilan ng pagkasira ng mga kabuhayan,
Ng Pamilya, at ng buong bayan
At ang biyaya ng kalinisan…
Ang solusyon sa maruming kapaligiran ay kalinisan
Ito’y magbibigay ganda sa ating kalikasan
Mababawasan ang pagbaha sa ating bayan
At magkakaroon ng matatag na sambayanan
Kaya ating tandaan…
Bawat basurang itinatapon kung saan saan
Ay may katumbas na peligro sa ating mamamayan
Ito’y mapipigilan kung tayo ay maglilinis
Disiplina sa sarili ang kailangan natin
Pangalagaan ang ating kalikasan
Panatilihin ang kalinisan!
-wakas(>_<)