Kabanata 11

383 16 0
                                    

-UnEditted-

Kabanata 11

Album

Wala ako sa sarili habang nagwawalis ako sa kwarto ni David. I don't know what exactly to do at what just I heard. Hindi ko alam kung kokonprontahin ko ba si David sa nalaman ko sa kay Queen o ano.

Hindi ko na rin tinanong pa si Queen nang sabihin niya iyon. Basta namalayan ko nalang na kumukuha na ako ng walis at dumiretso sa kwarto ni David.

Kahit hindi naman makalat patuloy pa rin ako sa pag-wawalis. Ang bigat-bigat ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay napuno iyon ng iisang emosyon.

Should I ask him?

May karapatan naman ako hindi ba? I am his girlfriend. But why do I feel that I'm not? Maybe because of lossing communication in each other? I don't know.

Binitawan ko ang walis at tumungo sa study table niya. Agad na kumuha ng atensyon ko ang bookshelves. Umuli ang tingin ko sa mga libro and I found out na inalis na niya pala ang librong una kong binasa. Napangiti ako sa naisip na dahilan ngunit agad ding napawi nang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Queen.

I want to find some evidence. Dahil kung talagang may naka-takda na kay David bakit hindi man lang iyon binuksan ni Ma'am Rhiana ng nandito siya?

Naisipan kong pumunta sa kaniyang walk in closet. Isang beses o dalawa lang ata ako naka-pasok dito dahil hindi naman iyon ganun kadumi para linisan nang mabuti.

Pagpasok pa lang ay naamoy ko na ang karaniwang na amoy niya. His perfume mixed with the detergent, napangiti ako sa ala-ala niya.

Binuksan ko ang ibang mga cabinet niya. Nakakamangha na meron doong iba't ibang design na neck tie, watch, socks at kung anu-ano pa. Maayos din ang pagkakalagay noon.

May ibang cabinet na walang pinto may isa namang meron. Napanguso ako sa pagtatakha, ba't kaya to naka-sara?

Sa kuryusidad ay nilapitan ko iyon at binuksan, wala naman iyong lock pero may pinto.

Unang bumungad sa akin ang dalawang drawer. Binuksan ko ang isa, sa loob noon ay may ilang mga albums. Ang nasa unahan ay kulay asul na may design ng isang isla. Kinuha ko ang lahat at ipinatong sa sahig, umupo naman ako 'saka kinutingting ang lahat.

Binuksan ko iyong una. I am not sure If this is his picture when he is an infant. Basta isa iyong larawan ng batang lalaki na naka-balot sa asul na tela. Ang mga kamay at paa ay nakabalot din, kapapanganak lang ata nito. Nakapikit ang baby at nakalagay sa isang crib.

Kasunod naman ay iyon din ngunit ang pinagkaiba ito ay buhat-buhat ng isang lalaki at gising ang baby. Napangiti ako ng makumpirmang si David ito, sa mata pa lang, his dark and serious eyes.

Pinaka-titigan ko ang lalaking nag-bubuhat doon. Kamukha iyon ni David kamukhang kamukha ang pinagkaiba nga lang ay ang buhok ay gaya ng buhok ni Kenjik. Nakangiti iyon habang nakatingin sa bata.

Binuksan ko ang kasunod. Siya pa din iyon, nakadapa naman iyon sa crib habang nasa bibig ang hinlalaki, nagu-ut-ot. Mas lalong lumawak ang ngiti ko.

Ang cute niya dito, lalo na dahil sa ganda ng kuha ng larawan. Naka-focus lang kasi iyon kay David at bahagyang blured ang background.

Lahat ng iyon ay puro siya ng baby pa lang. Sobrang cute at gwapo na niya noong bata pa siya, kaya't hindi nga naman nakakapag-takha kung ano siya ngayon.

The next album is color black, plain lang siya walang kahit anong design. May garter iyon, bilang lock ng album. Binuksan ko iyon at nakitang photo album pa rin niya iyon.

Unknown Mistake (Raquel Boys Series #1)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon