Chapter 34

45 4 0
                                    

"Cassi."

Sinigurado kong malamig ang tingin ko sa kanya ngayon, tinutumbasan ang kanya.

"Ibalik mo ako." May diin kong utos sa kanya. Sa tingin niya ay parang wala siyang narinig. Tanging pagtitig ang isinukli niya sa akin.

Nagtiim bagang ako nang maramdaman ang kaba sa loob ko. Ilang beses akong nagmura sa isip nang manghina ang loob ko habang nakikipagtitigan sa mga mata niya.

Ngunit tinibayan ko.

"Bakit mo ako dinala rito?" Diniinan ko iyon. Nagdidilim na ang paningin ko sa poot sa kanya. Gusto kong manalo ito laban sa panghihinang bumubulong sa utak ko.

"Mahal mo na ba siya?—"

"Tangina. Ibalik mo na ako Gelo—"

"Angelo. Yan ang pangalan ko. Huwag mong puputulin ng hindi maging tunog ibang tao." Nanigas ako roon. Ang tingin niya ngayon ay parang may sinasabi sa akin. Nagkaroon na ng laman ang mga mata niya subalit tinatanggihan ko itong makilala. Isang hakbang niya palapit ay agad kong sinuklian ng pag atras.

"Ano na naman bang kailangan mo?!" Nahinto siya roon. Ang nagpupuyos na emosyon sa loob ko ay hindi ko napigilan pa. Muli ay nilukob ako ng pinaghalong galit at sakit. "Ano na naman ang sasabihin mo hah?"

Hindi siya sumagot. Naging blangko muli ang mata niya at pinanood akong sumbatan siya.

"Ibalik mo na ako." Pagod na usal ko. Ang kaninang mga salitang binalak kong ibato ay kinain ko.

Natatakot ako...

"Cassi..."

Natatakot ako na baka may sagot siya sa lahat ng tanong ko. Natatakot ako na baka kapag nagsalita siya ay makalimutan ko lahat ng sakit at galit. Ayoko na...

"Ibalik mo nalang ako Angelo.." Pagod kong usal sa kanya. Inilihis ko ang tingin nang uminit na naman ang gilid ng aking mga mata.

Gusto kong suntukin ang puso ko... Kailan ba nito maiintindihan na hindi maaari ang ginagawa niya? Hindi siya maaaring tumibok sa maling tao.

Sa maling multo.

Gusto ko mang matawa sa naisip subalit hindi na kinakaya nang sistema ko.

Nang madinig ko ang isa pa niyang hakbang ay napapikit ako.

"Diyan ka lang." Pigil ko sa isa pa. Kinagat ko ang labi ko nang binalingan siya. Wala paring reaksyon ang mukha niya. "Baka kahit wala kang sabihin... Kapag malapit ka-"

"Bakit?" Pagputol niya. Matiim ang titig niya sa akin. Inaalam ang magiging sagot ko sa paparating niyang tanong. "Ayaw mo na ba?"

Napasinghap ako sa tanong niya. Nagliyab ang apoy sa loob ko at hindi na mapirmi ang hininga ko. Ayaw ko na ba? Gusto kong matawa sa narinig.

Hindi ko na namalayang ako na pala ang mabilis na humahakbang palapit sa kanya at nang maharap siya'y di ko napaigilan ang sariling kamay na sampalin siya.

"Ayaw ko na?!" Natawa ako at tinulak siya "Ayaw ko na Angelo?"

Putanginang luha to. Patanginang multo to.

Ayaw ko na talaga. Ayaw ko na.

"Ibalik mo nalang ako!" Sigaw ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako dahilan ng lalong pagkamuhi ko. Hindi ako makapaniwalang tiningnan siya pabalik. Hinihingal ako sa hindi malamang dahilan. Sa galit? Sa inis? Sa sakit? Sa pagod... "Pagod na ako Angelo... Ibalik mo na ak-"

"Huli na." Natikom ko ang sariling bibig. Napakurap ako at parang nabingi sa sinabi niya. Pagod na ang mga mata niya ngayon. "Pang huli na ito... Mahahanap ko na bukas ang sarili ko. Babalik na ako." Nahulog ang luha sa mata ko. Ang pagtusok ng kung ano sa puso ko ay pinigil ang paghinga ko. "Aalis na ako-"

He's A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon