Frost and Sunny

66 2 3
                                    

Nandito kami ngayon sa secret place naming dalawa , break time kasi namin eh. Nakabackhug siya sa akin habang inaamoy amoy niya yung buhok at leeg ko. Habang ako naman ay hindi talaga makapaniwala na boyfriend ko na siya kyaaahhhh!

" Hindi talaga ako makapaniwala" bulong ko sa sarili ko.

" Ang alin , baby ko? " tanong sa akin ni Frost.

" Na ano tayo na , na boyfriend na kita. Kasi diba dati halos hindi mo ako pinapansin tapos biglang boom boyfriend na kita. " sagot ko naman.

" Baby ko , hindi mo kasi alam na matagal na kitang mahal atsaka hindi ako makapagtapat sayo kasi ang dami mong manliligaw eh , tapos lagi mo pang kasama si Cloud. Nakakapanselos kaya. " pageexplan niya sa akin na may konting inis.

" Eh nirereject ko nga sila e , kasi ikaw yung mahal ko. At si Cloud naman , bakla yun no , pero hindi lang halata HAHAHAHA. " natatawang sabi ko sa kanya.

"Ahh , tinatawanan mo na ako ngayon? " ngisi niya sa akin.

" Oppss , ano yang binabalak mo ah? "

" Eh ito lang naman po. " sabi niya tapos bigla na lang niya akong kiniliti

" HAHAHAHA tama HAHAHA na HAHAHAAHA HAHAHAHAAH. " tawang tawa kong sabi sa kanya tapos tumigil na siya.

" Hay napagod ako dun ah HAHA. " sabi niya sa akin.

" Ako kaya yung napagod. Kulit mo kasi e. " sabi ko nang nakangiti. Tapos hindi na siya sumagot , tinititigan niya na lang ako.

" Oh ba't mo ako tinititigan? " takang tanong ko.

" Wala lang naman. Ang ganda ganda mo kasi e. I love you , baby ko. " sani naman niya sa akin.

" Oh , namumula ka baby ko , tignan mo mukha ka nang kamatis HAHA. Eh wala man lang bang akong i love you too? " tapos bigla siyang nagpout.

Oh sh*t kinikilig ako men. " Uhmm ano ano i love you too , baby ko. " utal utal kong sabi sa kanya.

KKKKKRRRRIIIINNNNNNGG!!

"LEE! Kanina pa kita kinakatok dito , hindi ka pa rin gumising halos gibain ko na tong pintuan mo ah! Malelate ka na bunso! " Sigaw ng kuya Kris ko.

Bigla na lang akong napabalikwas sa kama. " Ay , bakit ako nandito? Diba kasama ko si Frost myloves kanina? Hay , panaginip lang pala , akala ko totoo na talaga yun. "

Pagdating ko sa school , lahat ng taong makakasalubong ko binabati ako , pero ngiti lang yung sinasagot ko. Nasa tapat na ako ng classroom. Sinalubong naman ako ng mga bestfriends ko na sila Rain , Snow at Winter.

" Oh , ang baby maknae natin parang pinagsakluban ng langit at lupa oh." tanong ni Rain.

"Oo nga naman , ang ganda ganda mo tapos ganyan mukha mo." sabi naman ni Winter

" May problema ba baby Sunny?" tanong naman ni Snow.

"Guys , ano ba naman kayo , okay lang ako no. Di ko lang talaga feel magkulit ngayon." nagpilit ngiti ako sa kanila para sabihing okay na okay ako.

" Ahh , okay sige upo ka na lang diyan at kami na lang ang magkukwento!" sabi naman ni Winter.

Iniisip ko pa rin yung panaginip ko kanina , sayang talaga eh. Pero sana magkatotoo yun na mahal din niya ako. sigh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Totoo ba 'to?(one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon