Chapter 1
Nov '16 nung una ko syang makita ng personal, pero Sept ko sya unang nakausap thru email. Kaibigan sya sa college nung kaibigan ko nung hs.
Hiring kami non, need ng engr. Kinontak ko yung friend ko na engr din kung may kilala sya na gusto magapply samin. So ayun dun na nagsimula.
After ilang weeks, tinawagan na sya for an interview. Nakatravel ako nun e, sa Lucena. Tumawag yung friend ko na kausapin ko daw si Mr.Yoso
So binigay ung #. Nagtataka ko bakit kailangan ko pa sya kausapin, baka hihingi ng tips sa interview, nung tinawagan ko sabi ko sa sarili ko
Ayy ang ganda ng boses, kaso masyadong pormal nakakailang sya. So ayun tanong tanong sya about sa background ng work namin, sweldo, ganyan
Nagdadalawang isip daw kasi sya, parang di nya alam kung gusto nya kasi may isa pa daw syang interview and naging honest naman sya
Nung nagexplain explain ako na masaya sa office namin, palaging nagttravel, marami ka makikilala at kung ano ano pa, naconvince ko na sya
Lumipas ang isang linggo, nagtanong tanong ako sa office kung kumusta yung interview ni Mr.Yoso, medyo malabo daw na makuha :(
Nalaman ko na galing pala sya abroad, so medyo overqualified na sya sa position kase if im not mistaken, project manager level na sya don
One time pauwi ako, nagtext si Mr.Yoso, may balita daw ba sa interview nya. Di ko lam sasabihin ko kasi ang sabi lang naman medyo malabo
Sabi ko na lang makikibalita ako. After some time, mga october na yun e, pumasok na ung bagong hire na engr!!!
Babae yung natanggap. 😭 so wala, di nga sya yung nakuha. Di ko na rin sya nakausap after non.
BINABASA MO ANG
Mr.Yoso
RomanceKala mo sya na, pero di pa pala Bakit kaya nakilala mo pa yung taong magpapakilig sayo ng sobra tapos di pala meant to be