Noon ko pa iniisip ano ba ang mas lamang. Noon pa man kinukumpara ko na ang Better at ang Best.
Ano nga ba mas lamang?
ang Best na pinakamataas sa lahat, na nilalamangan ang Good at Better dahil nga best sya,
o
ang Better na taga-lamang sa lahat, na pwede pang lamang ang Best?
MAGULO. Ang nonesense nun alam ko yan. Hindi ko nga alam kung bakit iniisip ko yan, eh. Marami na akong natanong tungkol dun. Mga kaibigan, at kung sino-sino lang. Wala lang, di ako matahimik, eh. Karamihan Best pero may mga sumagot din ng Better at talagang pinaglaban nila yung sagot nila. Lahat sila may pinaglalaban pero sa isa lang ako bumilib. Sya lang yata ang nakakuha ng mga ipinupunto nila.
"Better ba o Best?" Sabi nya na nakahawak pa sa sa baba nya. Halatang pinag-iisipan nya talaga yung isasagot nya. "Pinagsama." Sabi nya bigla.
"Huh? A-ano?" Tanong ko kasi wala akong naintindihan. Malamang, wala namang paliwanang yung mga sinabi nya.
"Y-yeah. Pinagsama. Kasi di ba ang best, lamang sa lahat at ang better, kayang lamangan ang lahat. Kapag pinagsama mo, Better-Best. Nalalamangan ang lahat." Paliwanag nya na ikinatameme ko. Ngayon ko lang talaga napagtantong pwede pala talagang pagsamahin yung dalawa. Sa lahat din ng natanongan ko sya lang yung may kakaibang sagot. Ngayon, nakikita ko na yung punto ng pag-iisip nya.
"Yun lang po ba yung itatanong mo?" Para naman akong nagising na lang bigla nang tanungin nya ako. Kausap ko nga pala sya.
"Uh, O-oo, yun lang. Salamat." Ang awkward naman. Pero teka... Sa'n galing yung kaawkward-an?
"Oh, sige po." Sabi nya at ngumiti saka lumakad palayo. Yang tinanong ko, kilala ko yan. Sya si Luhan, ang heart throb dito sa school. Gumwapo yata sya? O ako lang di nakapansin nun? AH! Okay.
Naglakad na din ako papuntang classroom ng nakangiti. Sa wakas, may tamang sagot na din.
~
Nandito ako sa Bleachers. Nakaupo mag-isa. Tambayan ko na 'to noon pa, pero ngayon wala naman talaga akong ginagawa o hinihintay dito. Pinanonood ko lang si Luhan magsoccer. Ang cool nya.
Hindi ko alam, pero simula nung tanungin ko si Luhan tungkol dun sa 'Better o Best' thingy ay nahiya na akong lapitan o kahit tingnan man lang sya uli. Pero hinihintay kong kausapin nya uli ako bigla. AH! Ang gulo ko! Isang buwan na ang nakalipas pero hindi pa din ako makamove-on sa sagot nya. Napapraning na ako.
Natapos na ang practice game nila at naupo na sya sa isa sa mga pinakamalapit na bench doon kasabay ng paglapit ng mga kaibigan nya -- pati pala mga girls. Sikat talaga.
Nagpunas sya ng pawis at eto na naman ako sa slow motion moment. Hindi ko alam pero feeling ko ang weirdo ko na talaga. Pagnakikita ko syang dumaan ng classroom, makakasalubong, o kahit yung pag-inom nya ng tubig ay nakikita ko in slow motion.
Minsan tuloy pakiramdam ko, abnormal na ako. Noon ko pa nakikita si Luhan pero ngayon ko lang talagang napagtatantong sobrang gwapo nya pala talaga. Gwapo naman sya noon. Baka mas gumwapo lang.
"TULALENG!" Panggugulat sa akin ni Yuri. Success ho sya.
"Inaano kita dyan" tanong ko at ngumuso. Bakit biglang litaw 'tong isang 'to?
"Sa akin? Wala. Pero kay Luhan, meron." Napatingin ako sa kanya. Napapraning na din sya.
"Pinagsasabi mo?" Tanong ko na nanlalaki pa ang mga mata.
BINABASA MO ANG
Better or Best [SeoHan FanFic] One-shot
RomanceSeohyun Luhan Fan Fiction. Love story, walang bs. Di kay Seohyun. Kahit pa UB ko si Seo, ishiship ko pa rin sya kay Luhan... So enjoy. :) /// Credits sa owner nung edited picture ni Luhan tsaka ni Seo sa media. ♥