💍Trouble 18: Harana💍

879 52 24
                                    

Hating Bakla
(SHERIDAN)
by imrodsy23
Trouble 18









KUMINANG ang bato sa isang pares ng singsing sa pulang kaheta. Pero ang kinang niyon ay daig ng kislap sa mga mata ni Calvin. Napupuno ng pagsuyo at pagmamahal sa pagkakatitig sa singsing.

Magiging maligaya ako sa 'yo at magiging maligaya ka sa piling ko, sa puso ng binata.

"Iyan na po ba ang kukunin n'yo, sir?" ang kahera. Nakatanghod kay Calvin. Namumungay ang mga mata sa pagtitig.

Tumango si Calvin at kaysimpatiko ng ngiti. "Yes, miss. Bayaran ko na..."

"Sure," malambing na tono ng kahera. Sadyang ngumiti nang pagkatamistamis at inipit sa tainga ang ilang hibla ng buhok.

Pero hindi iyon napapansin si Calvin. Tanging nasa isip ay ang magiging reaksyon ni Sheridan mamaya. Buo ang kumpiyansa niyang isusuko nito sa kanya ang puso nito... at kabaklaan. Mahal siya nito, walang dahilan para kabahan siya pero ano itong nararamdaman niya. Bakit parang pabilis nang pabilis ang kaba niya? Sa pakiramdam niya'y nababahala siya.

Shit! No! Buo nga ang kumpiyansa ko. Lalaking-lalaki ako! Lahat ay gagawin ko para sa baklang pinakamamahal ko, kaya walang kaba-kaba, dude! Mahal ako ni baby! sa loob-loob ay kusa siyang nagbigay ng assurance sa sarili.

Sa ilang saglit lang ay magiging kanya na si Sheridan. At ang susunod ay magsasama na sila sa habambuhay.

"Maganda, sir, ang singsing na 'yan. Siguradong matutuwa ang pagbibigyan n'yo niyan."

Narinig iyon ni Calvin kaya't napukaw siya nito. Tumingin siya sa babae. Kinuha na niya binili. "Talaga? Sa tingin mo, makakatulong kaya ito para pumayag siyang pakasal sa akin?"

Namungay lalo ang mga mata ng kahera. "Oo naman, sir. Payag na payag. Sobra pa sa payag. Lalo na't napakaguwapo n'yo po." Sabay talikod at bumungisngis.

Napailing na nangiti na lang si Calvin. Tumalikod na siya at lumabas sa jewelry shop na iyon. Malawak na ang ngiting sumakay sa pick up at saka nag-drive.... nang nag-drive.

Nang may maalala, napapailing na kinabig ang manibela. Kumanan ang sasakyan. At makalipas lang ang dalawang minuto'y humimpil na sa garahe ng flower shop.

Bumaba at tinungo ang hilerang mga fresh flowers.

"Good morning, sir. Pili na po. Bouquet po ba o basket?" estima ng tindera.

Ngumiti lang si Calvin at inilinga pa ang mga mata sa iba pang bulaklak.

"P'wede po kayong pumili piece by piece, sir. Kami na po ang bahalang mag-ayos ayon na rin po sa gusto n'yo." Imporma pa ng tindera. "Para kanino po ba?"

Tumango si Calvin at saka sinabi kung ano ang gusto.

Limang minuto pa ang lumipas at mabilis na naayos ang mga bulaklak at ngayon ay napakagandang bouquet na.

Dala iyon ay bumalik si Calvin sa pick up. Binuksan ang passenger seat at doo'y maingat na inilapag ang bulaklak, saka muling isinara ang pinto. Pagkatapos ay pumakabila at nang makasakay na'y pinaandar na ang sasakyan.

At habang daan, panaka-nakang sumusulyap sa rearview mirror. Nasa back seat ang bagong gitara katabi ang chocolates. Humugot siya ng hininga at pinakalma ulit ang dibdib sa tumitinding kaba.

Sheridan... Ang bulong ng puso, saka kusang napangiti nang maalala ang maalab na pagniniig.







MAALAB na pagniniig na kasalukuyan ring binabalikan ni Sheridan sa isip. Nakahiga at nakagat ang ibabang labi sabay sa pagpikit. Matamis na nakangiti at kinikilig pa rin. At sa pakiramdam ng kanyang butas ay naroon pa rin ang daks ni Calvin. Kahit medyo humahapdi pa'y para namang nadarama pa rin niya iyon habang umuulos.

Bakla 2: Hating Bakla : SHERIDAN (GayRomance) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon