Irish's POV
"The one and only..."
Nagsalubong ang kilay ko habang nakatingin sakanya. Ang sabi nung lalaki kanina ay baka kung ano ang mangyari sa kaibigan niya. Akala ko emergency kaya may part sa akin na gustong sumama. Pero kung pagmamasdan ang mukha ni Ricci, mukhang wala namang problema.
Nakangisi pa nga siya!
I rolled my eyes at him at tinalikuran siya. Pinihit ko and doorknob para buksan pero nakalock ito.
"Are you not going to treat me?" rinig kong tanong niya. Hindi ko maiwasang mainis dahil may halong pang-aasar yung tono ng pananalita niya.
Hindi ko lang siya pinansin at sa halip ay patuloy lang ako sa pagpihit ng doorknob pero wala pa ring nangyayari! Ghad! This freaking door!
"C'mon, kanina pa walang nag-aasist sa akin."
Inis kong sinipa ang pintuan bago ako humarap kay Ricci. "Pakana mo ba to ha, Rivero?"
"What are you saying? Nandito ako sa ospital para magpaggamot no. Anong sinasabi mo diyan?" maang-maangan niyang sabi. Muntik na sana akong maniwala kung hindi lang siya mukhang natatawa. My ghad, Ricci!
"Fine. I don't care. Lalabas na ako rito." inis na sabi ko.
"Hindi mo ba ako gagamutin?" pangungulit niya.
"I'm not an employee here, so why would I?"
"But you're a med student right?"
"But I don't have a liscense. Hindi ko pa nga tapos yung pre med course ko eh." tinaasan ko siya ng kilay.
"Pero I think, hindi naman na kailangan ng liscense sa paggagamot ng galos diba? I guess kaya namang gumamot ng sugat ng isang med student diba?" sarcastic niyang tanong. "Right, Irish?"
"Duh, ofcourse." pa-irap kong sabi.
"Then, treat me."
"But I don't want to." mataray kong sabi bago muling humarap sa pintuan at sinubukang buksan iyon.
"Bakit? Nahihiya ka ba sakin?" nang-aasar niyang sabi. Panigurado akong sobrang lapad ng ngisi niya ngayon! Ghad, ito nanaman po siya! "Do all what you want to do with me, It's my pleasure."
Napapikit na lang ako sa sobrang inis. I'm just wasting my time debating with this guy. Alam kong hindi siya mauubusan ng sasabihin. At alam kong ang ending lang nito ay maasar ako. Sigurado rin akong di ako papalabasin ng lalaking to habang di ko siya ginagamot.
Inirapan ko muna siya bago ko kinuha ang isang medical tray sa may table at lumapit sakanya. Padabog akong umupo sa kama kung saan siya nakaupo pero sinisiguro kong may malaking puwang sa pagitan naming dalawa.
"Gagamutin din naman pala ko eh."
"Ano?" irita kong tanong sakanya. May pabulong bulong pa kasing nalalaman tong lalaking to!
"Wala. Just treat me."
Inirapan ko muna siya at Nagsimula ko ng gamitin ang mga gamit na nasa medical tray. May bangas sa mukha si Ricci pero hindi naman ganoon kahalata. Panigurado akong ito ang ipapagamot niya. Akala ko naman kung anong nangyari sakanya.
Nagsimula na akong gamutin yung mga bangas niya. Pinilit kong wag ipakitang nanginginig ako habang dumadampi ang daliri ko sa mukha niya. Pinipilit ko ring magmukhang normal ang lahat kahit na naiilang ako dahil nakatingin siya sa akin.
"A-Aww!" daing niya nang diinan ko ang bulak na nasa may sugat niya.
"Huwag mo nga kong tignan!" inis na sabi ko sakanya.
BINABASA MO ANG
You're Still The One || Ricci Rivero
FanfictionA not so ordinary love story of Ricci and love of his life, Irish.