THREE
Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)
"I will not tolerate this anymore, Heena. You guys are just highschool students yet you both know how to do it?!" Galit na galit na sabi ni Daddy. I could see disspointment written all over his face.
"Dad! Wala kaming ginagawang masama ni Axcel! It's not what you think!" Mariing sabi ko. Wala naman talaga kasi kaming ginagawa ni Axcel at hindi namin ginawa kung ano bang iniisip nilang ginagawa namin.
"Shut your mouth, young lady! Do not talk when I am talking. If you can resist your Mom, you can't resist me, Heena. Hindi ko hahayaang umiral na naman 'yang katigasan ng ulo mo at pagiging spoiled mo sa Mommy mo! Hindi mo man lang ba inisip kung ano ang magiging reaksyon namin ng Mommy mo kapag nalaman namin na ginagawa n'yo ang bagay na hindi n'yo naman dapat na ginagawa?!" Sabi ni Daddy. Napahawak na siya sa sentido niya tanda na sumasakit ang ulo niya nang dahil sa akin. Napayuko naman ako dahil kahit ano ang gawin kong paliwanag, ayaw pa rin nila kaming pakinggan.
Kinausap nila kami ni Axcel pagkatapps ng party. Sinadya nila iyon para sa tingin ko ay mas masigawan nila kami. Tinignan ko naman ang walang kwentang si Axcel sa gilid na nakasimangot na rin tulad ko at parang walang pakielam sa nangyayari sa paligid niya.
"I already talked to my son, Crisosmo. I won't also tolerate this too. Masyado pa silang bata para gawin ang mga ganoong bagay." Kalmadong sabi ni Tita Freen.
"Mom! I said, we didn't do what were you thinking!" Reklamo ni Axcel, but just like mine. Wala rin iyong silbi.
"Don't raise your voice to your Mom, Axcel." Maawtoridad na sabi ni Tito Levinn.
"Sorry, Mommy." Sabi ni Axcel.
"I have a plan, Crisosmo." Bigla naman kaming natigilan ng magsalita si Tita Freen.
"What is it?" Tanong ni Daddy.
"If you will agree, why don't we engage them? Tutal naman kilala natin ang isa't isa at alam kong malapit din sila sa isa't isa." Sabi ni Tita Freen. Biglang nanlaki ang mata ko.
"No! Hindi pwede, ayoko!" Mariin kong reklamo. Agad naman akong tumingin kay Axcel pero katulad kanina, wala man lan siyang naging reaksyon sa sinabi ng Mommy niya.
"Dad, no! Ayokong matali sa unggoy na 'yan!" Sabi ko. Wala na akong pakielam kung magalit pa sa akin si Tita Freen o si Tito Levinn sa pagtawag ko na unggoy sa anak nila. Basta ang akin, ayokong matali sa Montemayor na 'yan!
"I agree. Let's engage them." Sabi ni Daddy. This time napatayo na ako.
"No Dad! You are just kidding, right? You are not going to do this to me, right?" Halos magmakaawa kong sabi.
"I am tired because of you, Heena. I don't want to talk about this anymore. Let's go home." Sabi ni Daddy. Nagtagis ang mga bagang ko at walang sabi-sabi akong tumayo at hinatak si Axcel palabas ng bahay nila. Hinatak ko siya sa may pool area nila.
"Wala ka man lang bang gagawin para mapigilan ang sinabi nila?!" Singhal ko sa kanya.
"Wala." Kaswal niyang sagot.
"Ayokong makasal sa'yo!"
"Ayoko rin naman." Bored na sabi niya.
"At bakit wala ka man lang ginagawa para mapigilan ang engagement?!" Sigaw ko sa kanya. Iniinis talaga ako ng Montemayor na 'to eh.
BINABASA MO ANG
Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media)
RomantizmPublished Under Summit Media, Pop Fiction. (What If It's Love) A story where forever doesn't exist. #BSS3