Ball #9 - Nurse

714 15 0
                                    

Thalia's POV

After akong kausapin ni Ninong Angelo pinapunta naman niya ako agad sa infirmary. Kasama kong pumunta si Aria. Sila at Ara naman bumalik na sa tune up game nila na post dahil sa gulo kanina.

Tinignan ko ang mga pasa at sugat ko sa braso. Kainis na babaeng yun! Medyo nakarami siya sakin ah. Mabuti nalang at may cream akong ipapahid para mabilis mawala ang mga peklat at pasa ko. Kung wala ako nun baka nakalbo ko na ang babaeng yun.

"Ano nanaman ang iniisip mo, Thalia?"

Napalingon ako kay Aria dahil sa tanong niya. Ganun ba ako ka obvious na may masamang iniisip? Hahaha!

"Paano mo naman nasabi na may iniisip ako?"

"Naka smirk ka kasi kaya for sure hindi maganda yang iniisip mo. Ikaw at si Kuya Thomas lang ang may ganyang smirk na nakakatakot."

I laughed mentally. Tama si Aria kami lang ni Kuya T ang may smirk na nakakatakot sa family namin.

Nakarating naman kami ni Aria sa infirmary. Pero nagulat ako sa taong nakita ko pagpasok namin sa loob.

SI RICCI NANDITO SA INFIRMARY!

Bakit naman kaya nandito ito?

Gaga! Malamang nandito yan kasi nandito ka!

Waahh! Huwag mo ko paasahin konsensya! Kaasar ka!

"R-ricci? Anong ginagawa mo dito?"

Lumapit naman sakin si Ricci at tinignan ang mga sugat ko sa braso.

"Narinig ko ang nangyari kaya pumunta ako agad dito sa infirmary. Hindi ka pa pala nadadala dito at mas nauna ako. Nag alala ako para sayo dahil sabi nila kawawa ka daw."

Kinikilig ang heart ko! Akalain mo si Ricci Paolo Rivero! Nag aalala para sakin!

"O-okay lang ako, Ricci. Don't worry."

"Anong okay ka diyan? Kita mong ang dami mong kalmot. Mabuti at nandito ka Mr Ricci Rivero. I've heard so many things about you."

"Hello. You are?" - Ricci

Naku, huwag ganyan ang tono Ricci. Be good boy dahil nakaka intimidate si Aria sa bagong kakilala niya.

"Aria Clemente. Thalia's cousin."

Mukha namang natauhan si Ricci. Umubo ubo pa siya ng kaunti dahil sa pangalan na narinig.

Sa mga hindi po nakaka alam kilala si Aria bilang queen bee dito sa DLSU. Matalino, maganda at mabait yun nga lang kapag inaway mo din amazona na katulad ko.

"I-ikaw pala yung Aria na sinasabi nila. Sorry i don't know your face in person."

"It's okay. Since nandito ka naman ikaw nalang ang mag alaga kay Thalia tutal naging kawawa siya dahil sa fan war dahil sayo. Kaya may rights kang alagaan siya.

Napatingin naman ako bigla kay Aria. Seryoso ba siyang iiwan niya ako kay Ricci? Hindi ako papayag!

Sus. Kunwari ka pa diyan!

Konsensya! Chupi!

"No problem. Ako na bahala kay Thalia." - Ricci

Seryoso ba ito? Waaahh!

"Sige. Ikaw na bahala sa pinsan ko. Alagaan mo siya ah. Bye."

At ayun na nga mga madlang people iniwan na nga talaga ako ni Aria kay Ricci.

"So, tatayo nalang ba tayo dito or papasok sa loob?"

Natauhan naman ako sa sinabi ni Ricci at inalalayan niya akong pumasok sa loob.

"Ano nangyari sa kanya?" - Nurse

"Nadamay lang po sa away." - Ricci

Napatingin lang ako kay Ricci dahil sa sinabi niya.

"Sige. Ihiga mo siya sa bed number three. Huwag kayo aalis dito kukuha lang ako ng supplies."

Inalalayan naman ako ni Ricci pahiga sa kama. Kahit na iniinsist ko na kaya ko.

"Since dahil sakin ang dahilan ng pagkaka ganyan mo. I will be your nuse for today. Lagi din kitang kakamustahin to make sure ilalagay mo ang gamot mo."

Spell wow. RICCI. Kahit na medyo OA siya kinikilig parin ako sa kanya.

Tinotoo naman ni Ricci ang sinabi niya. Inalalayan niya ako hanggang sa makalabas ako sa infirmary at hinatid niya rin ako sa bahay namin. Mabuti nga at hindi siya nakita nila mommy kundi maraming tanong ang mga yun.

Dear Diary,

Sobrang kinikilig ako ngayon! Akalain mo yun naging nurse ko ang isang Ricci Rivero! Kilig level 100! Tapos hinatid pa niya ako sa bahay edi sobra sobrang alaga na ko sa kanya. Sana next time na masugatan ako ganyan ang gawin niya sakin ulit ❤

HIS Fangirl || Ricci Rivero Fanfiction || Book 1 Of HIS Series || MAJOR EDITINGWhere stories live. Discover now