It was month of August at ano nga bang meron sa buwan ng Agosto hindi bat buwan ng wika
Abala ang lahat para sa magaganap na kompetisyon.
Isa ka sa mga tumutulak sa klase para mabuo at matapos natin ang hinahanda nating presentasyon. 10th grade na pero ngayon lang kita naging kaklase. Di pa man kita nagiging kaklase maingay na ang pangalan mo sa school dahil sa iba't ibang kalokohan mo.
"Cindy! Ano tulala ka nanaman dyan"
Ayan at magsisimula ka nanamang bwisitin ako.
Hindi alam ng lahat na bago pa man mag Buwan ng wika ay nag uusap na tayo. Nagsend ka ng picture ko na kuha nung grade 5 pa lang ako. Simula non palagi na tayong nauusap mapa pamilya o walang kwentang usapan lang.
Hindi ko napapansin na habang lumalalim ang gabi habang tayo ay nag-uusap ay lumalalim narin pala ang nararamdaman ko para sayo. Bawat kwento mo tinatandaan ko, bawat segundo pinapahalagahan ko dahil hindi ako sigurado kung hanggang kelan tayo ganito.
Dumating ang panahong nalaman mo na. At hindi na ako umasa pa kasi kilala ko naman kung sino ang gusto mo. Simula non hindi na tayo nausap pa gabi gabi na gaya ng dati.
Pero ang hirap umiwas. Ang hirap iwasan ng isa't isa kasi nasa iisang barkada tayo. Di nagtagal naging maayos tayo may kaunting ilangan pero ramdam kong pareho tayong nagtatyagang mawala iyon.
Pumunta ang barkada sa bahay para lang sa maikling kwentuhan. Doon mo sinabi na gusto mo na ako pero parang huli na kasi ako naman ang nawalan ng nararamdaman para sayo . Naglalaban ang utak at puso ko noon kung gusto pa nga ba kita. Pero noong oras na nakita kong lumuha ka. Wala na tiklop na naman ang puso ko.
Nagkaroon nga 'tayo' sa loob ng tatlong buwan ay sobrang saya ko na parang pakiramdam ko walang bagay na makakapag pa lungkot sakin. Pero doon ako nagkamali. Dahil ang taobg siyang nakakapag pasaya ng sobra saakin. Siya rin pala ang makapagpapalungkot ng puso ko.
Naramdaman ko ang pagbabago sa ating dalawa. Hindi na tayo sabik makausap ang isa't isa. Unti unti narin tayong nauubusan ng sasabihin pa. Para bang nawawala na. Pero pinilit nating maging matatag.
Pinilit nga ba natin? O ako lang ang sumubok magpakatatag?
I tried to fix us. Because I know that I am at fault too. But whenever I try to reach you, it seems like you are going farther. I asked you "Mahal mo pa ba ako?"
Sabi mo "oo"
Pero gumuho na ang mundo ko nung tinanong kita na "Gusto mo pa bang ayusin tayo?"
Dahil ang akalang kong oo na maririnig ko naging "Hindi ko alam" ang sagot mo.
Hindi mo alam...hindi ka na sigurado. Di na gaya ng dati na laban kung laban makasama lang ang isa't isa. Pinakawalan kita dahil ayokong ikulong ka sa relasyong hindi ka naman masaya. Madaming lumabas na kwento pero hindi ako naniwala kasi sayo ako may tiwala. Pero sa araw araw na ginawa ng Diyos na nakikita kita kasama siya napapatanong ako.
Niloko mo nga ba ako?
Konting proweba at panahon lang ang kinailangan ko para mapatunayan ang mag paratang sayo. You're not the one that got away my love :)
Because I never had you from the beginning of our so called 'love'.
You were just infatuated with the idea of 'ME'
i learned a lot and i learned it the hard way. Its alright if you never loved me. It was a great experience loving you anyway.
Tomorrow marks two months without you. Im doing better as I want to believe. Be happy. Thats all I want for you.
YOU ARE READING
not the one that got away
Romanceone shot story of how I felt when we were friends, when he became mine and when he left me wondering what the real reason is.