Naglalakad ako papunta sa park kung saan kami madalas tumambay noon. Malapit na ako sa paborito naming parte ng park which is yung swing pero may nakita akong babaeng nakaupo doon.
Nakatingin lang ito sa langit at napakalungkot ng mga mata nito.
Gusto ko sana siyang lapitan kaso....
Nahihiya ako. Baka magulat siya at umalis.
Napansin niya atang may nakatingin sakanya kaya lumingon lingon ito sa paligid.
Bigla akong nagtago sa may puno ng mapadako sa kinaroroonan ko yung paningin niya.
"Alam kong nandyan ka" narinig kong sabi niya.
Wala na akong takas kaya umalis na ko sa pinagtataguan kong puno at linapitan siya. Naupo ako dun sa katabing swing. Nakita kong nakangiti ito sa akin.
"Alam mo bang malaki ang pasasalamat ko sa isang tao." sabi nito habang nkatingin sa langit.
Gusto ko sana siyang tanungin kung sino yun at bakit pero baka isipin niya na intrigero ako.
"Dahil sakanya nagkaron ako ng pangalawang buhay. I had a heart surgery a few months before." pagpapatuloy niya.
Kawawa naman pala siya. Buti nalang at nakahanap siya ng donor niya. a few months back... uhmmm... that's also the time when my bestbud left me. You see my bestbud died in a car accident a few months back also.
"Bakit ka nalungkot?" tanong niya sakin.
Napatingin lang ako sakanya. Ang hirap kasing sabihin sa kanya ng bagay na iyon. Hindi niya ako maiintindihan.
"Alam mo bang binisita ko yung bahay ng donor ko at sinabi sakin ng papa at mama ng donor ko na may matalik daw siyang kaibigan na araw-araw ay kasama niya dito sa park. Magmula nung bata palang sila eh palagi na silang naglalaro dito. Hanggang ngayon na namatay na yung donor ko eh parati parin daw pumupunta dito yung kaibigan niya. Hinihintay siya dito sa may swing. Hinihintay na bumalik para makapaglaro ulit sila. Hanggang ngayon kasi hindi parin daw tanggap nung kaibigan niya na wala na yung donor ko..."
Hindi ko mapigilang hindi maluha sa mga sinasabi niya kasi tama siya. Hanggang ngayon hindi ko parin tanggap na wala na si Mark. Wala na ang matalik kong kaibigan. Ang taong nagpapasaya sa buhay ko. Ang taong tanging nakakaintindi sakin. Ang taong walang kapaguran. Ang taong minahal ako ng buong-buo.
"Pagsapit ng alas-kwatro ay lumalabas na ng bahay si Luke, yung alagang aso ng donor ko, para pumunta sa park kahit na pinipigilan na siya ng mga magulang ng donor ko. Alam kasi ni Luke na parating na galing ng eskwelahan yung Master niya at maglalaro na sila. Alam mo bang pinakiusapan ko yung magulang ng donor ko na kung pwede ibigay nalang sakin si Luke para hindi na siya nalulungkot at para kahit papano eh magkasama parin sila ng Master Mark niya kaya...
Luke, sasama ka ba sakin?" naka-ngiti niyang tanong sakin.
THE END.
BINABASA MO ANG
Swing (One Shot)
Short StoryFriendship is something you cannot see but you can feel. A one-shot story about loyal friendship.