HATING BAKLA
(SHERIDAN)
by imrodsy23
Huling Dalawang Kabanata
"NO!" si Edcelle sa pagalit na paghampas ng palad sa manibela kasunod ang sunud-sunod at mararahas na busina. "No! Hindi p'wede! Akin si Calvin! Hindi siya magkakagusto sa isang bakla lang!" At sa naniningkit na mga mata'y gigil na pinaandar ang kotse. Mula sa pagkakahimpil sa gilid ay mabilis na nainguso ang sasakyan sa highway. Nang hindi inaasahang parating ang humahagibis na motorsiklo.
"Fuck you!" magaspang na pagmumura nang kamuntikang sumalpok ang motor sa gilid ng kotse. S'werteng mabilis ang reflexes ng driver niyon at agad nakaliko sa kabilang lane. Doon ay ekspertong nakipagpatintero sa makakasalubong na mga motorista.
At si Edcelle, nahabol na lang ng matalim na tingin ang kaskaserong hambog. Sa ilang saglit ay binilisan na rin ng dalaga ang pagmamaneho. Nakisabay sa matutuling sasakyan sa highway.
Dalawampung minuto pa at nakahimpil na ito sa tapat ng bungalow. Bumaba ang dalaga, dinukot ang susi sa bulsa ng skinny jeans. Ilang saglit pa'y nasa loob na siya ng kabahayan. Deretsong tinungo ang silid pagkalampas sa kusina.
"Rigor!" pasigaw na tawag.
At mula sa loob ng silid ay lumingon ang lalaki. Kunot-noong sasalubungin ang dalaga sa bungad ng pinto.
"Sshh, huwag kang maingay!" agad na saway at hinila ang dalaga palayo sa silid. At alam ni Edcelle ang dahilan, nagdi-direct na naman ito sa pagtatalik ng dalawang lalaki. Iyon ang lihim at illegal na trabaho nito. Isa rin ito sa mga nagpo-produce ng mga erotikong porno sa iba't ibang kilalang websites.
At walang pakialam doon si Edcelle. Kahit pa nga ba inaalok siya nitong maging bida sa isang double penetration, kasama ito. At walang pagdadalawang isip na tumanggi ang dalaga. Kahit mahilig din naman ay never niyang ilalantad ang katawan sa social media, not in this life!
"Ano ba'ng kailangan mo? Nakalimutan mo bang may trabaho ako kapag ganitong oras?" maalat na sita ng binata.
"May dalawang bakla akong ipapaligpit sa 'yo." Walang paligoy-ligoy na lahad. Nang makapasok na sila sa pribadong silid ni Rigor ay agad siyang naupo sa gilid ng kama.
Napaismid ang lalaki. "Marami akong trabaho para paunlakan ang kapritso mo," at tinungo nito ang marmol na lamesa sa isang gilid. Lumiko at umupo sa highback swivel chair. Binuksan ang laptop at nagtipa sa keyboard.
Umigkas ang kilay ni Edcelle. At alam niyang kapag ayaw ni Rigor, ayaw talaga. Pero hahayaan na lang ba niyang maging maligaya si Shersher sa kabila ng pagsira nito sa kanyang mga plano? Na kung hindi dahil sa baklang 'yon, kasal na sana siya ngayon kay Calvin. Sana ay humihiga na siya ngayon sa salapi.
Kaya naman sa pag-iinit ng ulo ay tumayo siya at lumapit kay Rigor. "Kahit ang kapalit ng pagsunod mo sa utos ko ay ang katawan ko?" aniya. Itinukod niya ang mga palad sa mesa at nanunuksong sinalubong ng tingin ang pag-angat ng mukha ng binata.Subalit tumaas lang ang kanang sulok ng mga labi ni Rigor. "Look, hindi mo pa rin ako makukuha sa ganyang taktika. Nalimutan mo bang halos ay palagi kong natitikman ang katawan mo, Edcelle? Iyon nga lang ay nagtitiyaga ako sa mumunting biyaya dahil kahati ko pa ang ka-live in partner mo."
Si Ronnie ang tinutukoy nito; ang ama ng kanyang anak. Matapos silang magkasira ni Calvin ay ibinahay na siya ni Ronnie at namuhay sila tulad ng isang buong pamilya---na siyang pangarap ng lalaki. Ngunit ni minsan ay 'di siya naging masaya sa dalawang palapag ng bahay nito, kapiling ito at ang anak nila. Sobrang luma at minana pa sa mga magulang. May trabaho naman sa kapitolyo ang lalaki pero ni wala nang natitira kapag naipamalengke na ang kakarampot nitong s'weldo.
BINABASA MO ANG
Bakla 2: Hating Bakla : SHERIDAN (GayRomance) (Completed)
Romance"Nang muli kitang makasama at makita ang mga ngiti mo. Inisip ko na parang masarap lumimot sa galit at ikaw na lang ang isipin ko." Una pa lang... doon sa Dolores High School; nasa puso na niya si Calvin Formalejo. Tinatanaw... hinahangaan at lihim...