YUNG feeling ko talaga na konti nalang babagsak na ako, sobrang sakit ng ulo ko tapos lambot na lambot na ako.. wala si Vinna emergency daw kase, si Azzi naman pumunta sa computer café para lang makapag-laro.Kaya mag-isa lang ako ngayon, wala din ganong tao dito sa hallway kaya bawat yapak ko ay nag e-echo. Di ko alam kung anung itchura ko ngayon, pero nakakasiguro akong magulo yung buhok ko at namumutla ang mukha ko. Muka siguro akong ginahasa ng limang kabayo.
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may marinig akong nagsisigawan, napatigil ako sa paglalakad ng makita ko si C-J tapos may babae syang kaharap.. di ko maaninag yung muka nya dahil na rin siguro to sa pagkahilo ko.
Nagtago ako sa isang gilid kung saan di nila ako makikita, hindi sa chismosa ako, pero ayaw kong makita ako ni C-J na ganito ang itchura. Nakakahiya!
"C-J, wag mo akong tatalikuran! Kinaka-usap pa kita!" Sigaw nung babae
"Wala tayong pag-uusapan." Cold nyang sabi.
Awwtss!
Sumilip ako ng konti, dun ko nakita yung babae.. ewan ko pero parang pamilyar yung boses nya sakin.
"C-J, please dont do this to me" mangiyak-ngiyak nyang tugon at pinigilan si C-J sa pag-alis.
"Mina.." may pagbabanta sa boses nya na syang dahilan para mapabitaw yung babae sa braso nya.
Mina?
Sya yung babaeng narinig ko kasama ang mga kaibigan nya, pinag-uusapan nila yung si Nami ba yun? Basta yung kambal daw nya. Nagulat ako ng habulin nya si C-J at yakapin sa likod.
May kung anung nararamdaman ako ngayon, parang may tumutusok sa puso ko nung masaksihan ko ang pagyakap ng babae kay C-J.
Wait? Nagseselos ba ako?
Hindi pwede to!
Napasampal ako sa sarili ko para makabalik sa reyalidad, hindi pwede tong nararamdaman ko.. Hanggat maari pipigilan ko ito, may pangako ako sa sarili ko na hindi ako mafafall sa kahit kaninong lalaki dito sa mundo hanggat di ako nakakatapos ng pag-aaral.
Nag-lakad ako ng nakayuko, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko basta gusto ko mapag-isa sa isang lugar na tahimik at walang mang-gugulo saakin. 'Di ko alam na dinala na pala ako ng paa ko sa garden ng school kung saan walang tao at napaka-tahimik. Sabi nila bawal daw dito pumunta, pero la kong pake! Gusto ko mapag-isa ngayon.
Uupo na sana ako sa bench ng may bigla akong maalala.Ay shet!
Si Chantine nga pala!
Bigla akong napatakbo at lumabas ng skwelahan.
Bat ba palagi kong nakakalimutan sunduin si Chantine? Haysstt! Hirap talaga pag nagiging ulyanin na.
"Ate!" Sigaw ni Chantine at sinalubong ako ng yakap.
Nakangiti sya ngayon, parang di sya naghintay ng matagal.
"Bat ang tagal mo, ate?" Ang sarap lang pakinggan pag may tumatawag sayong ate.
"A-ahh.. May project kase kaming ginawa." Pilit kong mag-sinungaling.
Ang sabihin mo may nakita kang di maganda at yun Nag SELOS KA!---- NO! Erase Erase! Kalimutan na tin yun.
"Tara na." Aya nya saakin
Nagsimula kaming mag-lakad na magkahawak ang kamay. Hanggang sa may ma-feel akong may sumusunod samin.
Tumingin ako sa likod, pero wala naman kaming nakita. Malapit na kami sa bahay pero feel ko parin na may sumusunod samin. Tumingin ako sa likod at may itim na kotse...
Itim na kotse..
Nanlaki ang mga mata ko, yan yung nakita ko kagabi kaya di ako makatulog. Dali-dali naman ako napaharap at binuhat si Chantine at tumakbo ng mabilis.
Binilisan ko ang takbo pero nakasunod parin samin yung kotse.
Hanggang sa makarating kami sa bahay, muntik na akong madapa habang buhat si Chantine, buti nalang at nakabalanse ako. Nilock ko yung pinto.
"Ate? Bakit tayo tumakbo?" Takang tanung ni chantine habang tinatanggal yung sapatos.
"A-ah? W-wala lang gusto ko l-lang tumakbo kasama ka." Pagsisinungaling ko nanaman.
At mukhang nakumbinsi ko sya, sarap pala mang-uto ng bata. Hehe.
Hahakbang na sana ako papuntang salas kayalang bigla akong nahilo at nagsimulang magdilim yung paningin ko.
At ang huli kong naalala ay si Chantine umiiyak at humihingi ng tulong.
++++++++++++++
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at ang unang bumungad sakin ay ang puting ceiling at nakakasilaw na ilaw. Nu bayan?! Ang hapdi na nga ng mata ko ganyan pa unang bubungad sakin?
Pinilit kong bumangon, ngunit bigla nalang uli akong napahiga dahil sa masakit pa ang ulo ko pati narin yung dalawa kong paa dahil sa kakatakbo.
Teka..
Nasaan ba ako? Ang naalala ko is nasa-loob kami ng bahay ni Chantine tapos... Bigla akong hinimatay. Si Chantine?! Pinilit kong tumayo kahit na paulit-ulit akong nabubuwal dahil sa hilo. Tinanggal ko yung dextrose na nakalagay sa kamay ko, Aaminin ko masakit-_-
Naglakad ako papuntang pintuan.
At saktong pag bukas ko ay bumungad sakin si Chantine, na namumugto ang mga mata, pero nakangiti dahil may hawak na ice cream hawak-hawak sya ng isang lalaking di ko inaasahang makita.
C-J?!
Taka kong tinignan ang lalaking ngayon ay nakatingin na din saakin. Paano nangyare---
"Ate! Gising kana!" Nakangiting sigaw ni Chantine at tumakbo papunta sakin.
Anung nangyayare?
-----------
YOU ARE READING
My Total Opposite [7-Teen Series)
Teen FictionIm his total Opposite and He his my total Opposite.