Guys sorry if medyo madrama and makwento pa ang part ng story na to. Gusto ko lang magka-idea na kayo sa background and struggles ng protagonist ko and also I also wanna know your take about this story. Salamat!
Enjoy!
"Guys, look kung sino nandito? You wont believe who I'm with,right now" pabitin ni Maya habang nasa labas pa ako ng gate
"Dami alam Maya,ganda ka diyan? Akala mo naman talaga" Iritang komento ni Janince na lihim kong ikinatawa. Kaya nagulat na lang ako nang bigla akong hilahin ni Maya paharap sa kanila.
"Uhmm... Hi guys?" Naiilang kong bungad
"What?- Janice
"Kenneth?"-Choy
"Ken?"-Seb
"Oh my gosh Kenneth!! Ikaw nga!! Like? Its you already, Punyeta kang bakla ka!!!" tumitiling salubong sa akin ni Janice habang aktong payakap pa ito sa akin pero hinarang muna ni Maya ang baba nito.
"Oh nag-alcohol ka na ba? Di mo ba nakikita na kutis-artista na to? Mukha kang madumi gaga ka" Mataray na tanong ni Maya dito
"Nababanas na ako sayo Maya ha,susunugin ko itong bahay mo mamayang hayop ka" galit na ding sagot ni Janice sabay tulak sa braso ni Maya kaya mas lalo pa akong natawa.
Habang ako,eto. Nakatayo lang at hindi man lang alam kung anong dapat gawin. Hindi ko rin kasi alam kung anong dapat kong asahan? Matutuwa ba sila? Magagalita ba sila? Mababadtrip o baka naman bigla na lang akong bigwasan ng mga ito. Pero kilala ko ang mga kaibigan ko at mukha naman silang masaya. Saglit nga, Nagpakilala na ba ako?
Paano nga ba ako maguumpisa? Yun ako si Kenneth Ito, 26 years old at isang writer sa isang kilalang lifestyle magazine sa Asia. Well during college hindi talaga journalism or anything connected sa literature ang course ko, I was an engineering student. Hindi ko rin alam kung anong tumama sa utak ko at pinili ko ang kursong yun kahit pa alam ko naman na medyo may kabobohan ako sa math well hindi medyo..bobo talaga ako. I was on my 5th year nang biglang nag-bago ang isip ko, well yung pagbabago ng isip after effect na lang yan ng mga nangyari and boom suddenly I have decided to left. And from there ko natutunan na ibang strength din pala ang kailangan for you to decide na umalis.
And sila? Si Maya,Janice,Seb,Choy at ang taong wala ngayon, mabuti na lang at wala ngayon...si Clifford, sila ang college barkada ko. Magkaklase kaming lahat except kay Maya na isang tourism student,nagulat na nga lang ako isang araw at narealize na mas kaclose niya na pala ang mga kaklase ko , kaya yun naging magbabarkada na, weird pero naging ugali din kasi ni Maya na ihatid ako sa classroom ko noon dahil sabi niya medyo malala daw ang katangahan at kalampahan ko and hindi ko na rin naman maiaalis na malakas talaga ang dating at aura ni Maya kaya hindi na rin ako nagulat nang ipagtapat noon ni Choy,Seb at Clifford na type nila si Maya noon. Well she's our IT girl.
Actually wala na akong balita sa kanila, as much as possible ay tinigil ko ang pagstalk sa kanila except kay Maya na itinuturing ko na din bilang kapatid,okay okay hindi itinigil...binawasan. Pero ang huling pagkakaalam ko ay Single mom na ngayon si Janice at kasalukuyang namamahala ng chain of pastry shops ng pamilya nila habang magkakasama naman sa itinayong construction firm ang mga lalaki. Ano pa nga ba? Pangarap nila yan eh,pangarap namin,pangarap namin na iniwanan ko.
"Huy ano na? Bat di ka nagpakita? Hayop ka akala namin ano nangyari sayo?" Umiiyak nang tanong ni Janice nang makawala ako sa pagkakayap niya.
"Pre oo nga, ang tagal ka naming hinanap. Akala ko nga patay ka na e hahaha" singit ni Choy na nakaakbay na pala sa akin ngayon. Our Chinito Cutie.
BINABASA MO ANG
Oo na
HumorMaitatama pa ba ang pagkakamali sa ikalawang pagkakataon? Pagmamahal pa rin ba ang magwawagi?