Chapter 10
Veronica can only see white four bounded walls when she opened her eyes. Hindi naging madali ang pagmulat niya ng mga mata sa simula sapagkat tila hinihiwa ang paningin niya ng nakasisilaw na puting liwanag na lumulukob sa buong silid. But when she finally did, fear and horror fill her system. She screamed wildly. Doon lamang napukaw ang atensyon ng mga tao sa paligid niya na mabilis siyang dinaluhan at inagapan sa pagwawala.
“Hush, hija. Hush. We’re here, everything’s fine,” anang tinig na nagpapakalma sa kanya. Niyakap siya nito at hinagod-hagod ang kanyang likod.
Nang mag-angat siya ng mukha at makita ang Mama Miranda niya ay saka lamang siya nakalma ng tuluyan. Bagaman, nangangatog pa rin ang buong katawan niya. Inilibot niya ang paningin sa silid. Nakita niyang naroon din si Agatha. Nakatayo ito malapit sa paanan niya.
Humakbang ito palapit sa harap niya. “What happened, Nica?” tanong nito. Labis-labis ang pag-aalala at takot sa tinig.
“Rebbeca… Si Beki…Si Beki, I think she’s dead… Oh, God! Beki’s dead! Mama.. someone killed her…” aniyang garalgal ang tinig. Mas lalong nanginig ang buong katawan niya sa labis na panghihilakbot. Parang papanawan siyang muli ng malay tao. Napahagulgol na lamang siya sa bisig ng abuela.
“Mama… Si Steve… at Rodolfo… They killed her… I think they killed her.” hindi tiyak na sabi niya. Hindi maturol sa isip kung tama ba ang mga akusasyon niya. Every detail is obscure that makes them hard to fathom. But she must tell them what she saw or otherwise…
Malakas na napaluha siyang muli. Sa pagitan niyon ay pinilit niyang maglahad. “I saw him, I saw Steve… He’s full of blood. He’s holding the knife they used to kill Beki. And I saw Beki lying behind him. She’s full of blood, too. And I saw Rodolfo as well. He’s also full of blood. Blood, Mama. Blood. Beki’s blood. They killed her, Mama. They killed Beki.”
“No, Nica. They didn’t kill your friend. They are trying to save her. They are the one who brought you here. They won’t harm you. And I will never let anyone hurt you.” Si Miranda na patuloy sa pang-aalo sa apo.
“But I saw them. They were full of blood all over, They killed Beki. Oh, God, Beki’s gone. I’m so sorry,” hagulgol niyang halos naghuhuramentado sa laksa-laksang takot na bumabalot sa kanya.
“Calm down, hija. Please, calm down,” ani Miranda saka binalingan si Agatha. “Call the doctor,” utos nito. Mabilis namang lumabas ang sinabihan nito na nang bumalik ay may kasama ng doctor at mga nars.
Panay lamang ang sigaw at iyak niya sa halo-halong emosyong dumadahas sa kaibuturan ng sistema niya. Samu’t-saring mga eksena ang naglalaro sa isip niya. Si Steve… Si Beki… Mga dugo…
Mayamaya’y isang matulis at manipis na bagay ang iglap na tumusok sa kanyang balikat na nagpawala ng mga imahe sa kanyang balintataw at nagbunsod ng sapilitang pagkahulog niya sa malalim na pagtulog.
“Based on our investigation, Miss Feron ay nag-out kayo ni Mr. Garvillez ng hotel exact 8:52 ng gabi. Ang sabi ng guard na nakabantay ng mga sandaling iyon ay hinintay ninyo si Mr. Garvillez na kunin ang sasakyan sa parking area ng hotel kaya naiwan kayong nag-iisa sa lobby. Then, may humimpil na isang white Porsche sa entrada ng hotel na umagaw sa pansin ninyo. Lumabas kayo at sumakay roon pero hindi iyon ang sasakyan ni Mr. Garvillez na ginamit ninyo patungong hotel kundi ang sarili mo mismong sasakyan iyon.
“Makailang saglit ay tumakbo ang kotse na lulan kayo. Humantong kayo sa condo ninyo ng 9:22 PM ayon sa log book. Sapat na biyahe mula sa hotel dahil diretsong tumakbo ang inyong sasakyan. Iniwan ninyo roon ang kaibigan ninyong si Rebecca Santos na siya palang kasama ninyo sa kotse at siyang nagmamaneho ng sasakyan. Umalis kayo at bumalik muli ng hotel. 10:45 PM kayo nakarating roon base sa logged ng guwardiya. Labis na oras na pagbalik mula sa condo ninyo hanggang hotel gayong maalwan ang kalsada ng mga oras na iyon. Pagdating ninyo roon ay wala na si Mr. Garvillez. Hinanap ninyo siya at umalis muli kayo ng 11:02 PM. Nakabalik kayo ng condo unit ninyo ng 11:45 PM kung saan ninyo naabutan ang wala ng buhay ninyong kaibigan at si Mr. Garvillez.” Tinapos ni James La Jarde ang paglalahad ng report sa isang napakalalim na buntong hininga. Ibinaba niya ang papel na hawak at matamang tinitigan si Veronica Feron, apo ni Miranda Consuelo Vallejos-Feron, isang sikat at mayamang dowager.
BINABASA MO ANG
Wet Me With Fire (TO BE PUBLISHED)
General FictionImage on cover photo is used with owners' approval. Licensed by Shutterstock. All rights reserved. Indulge in a Dark Erotic Romance!!! WARNING: Contains explicit and violent scenes. Not suitable for very young readers. Simula pagkabata ay magulo na...