Chapter 18

1.3K 51 4
                                    

Starry night.


D A L E



Napahawak ako sa ulo ko na kumikirot sa sobrang sakit. Argh araaay nagtungo ako sa kusina baka sakaling may gamot doon. Pero wala akong makita.

"AAAAHHHH!" Hindi ko na kinaya ang sakit kaya inuuntog ko nalang ang sarili sa ref na sinasandalan ko.

"Dale nako ano bang ginagawa mo dyan?" Niyakap ako ni Shane na alalang alala.

"Shane ang sakit ng ulo tska ang dami kong napapaginipan na kung ano ano tulungan mo ako please" pagmamakaawa ko hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha ko.

Ang sakit ng ulo ko yung tipong pinipiga sa sobrang sakit. Feel nyo ba? Pinaupo ako ni Shane sa upuan at pinainom ng tubig.

"Eto gamot sa pananakit ng ulo mo mabuti nalang meron sa bag ko nito" Agad kong ininom yun at yumuko nalang para maibsan ang sakit na nararamdaman ko.

"Ano ba nangyayari sayo Dale nitong mga nakaraan rin laging sumasakit ulo mo... napatingin mo na ba yan sa doctor?" Tumango lang ako.

"Anong sabi?"

"Pagod lang daw ako siguro nga bawal ako mapagod ng sobra" Sabi ko at pinunasan ang luha ko.

"Nagaalala ako para sa'yo para makapagpahinga ka matulog ka muna at kukuha nalang ako ng makakain natin sa baba"

"Gusto ko sa terrace magpahinga" sabi ko. Tinulungan naman ako ni Shane tumayo at inalalayan papunta sa terrace.

"Salamat Shane" Tumango naman sya at lumabas na sa kwarto. Umupo ako sa upuan doon at tumingin sa buong paligid.

Pero mas naakit ako ng Smeraldo flower na nasa harap ko. Lumapit ako at hinawakan iyon ng biglang sumakit na naman ang ulo ko at bumalik nalang sa pagkakaupo.

Natatakot ako para sa sarili ko lagi nalang sumasakit ang ulo ko once na may napapaginipan, naaalala at nahahawakan akong kung anong bagay.

"Ang ganda ng paligid ano?" Nagulat naman ako at napatingin sa kabilang gilid. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang bilis ng tibok.

"Tamang lugar para magpahinga" dugtong nya pa at tumingin sakin. "Diba?"

"A-ah Oo" sabi ko at tumango tango nalang.

"Nakita ko hinawakan mo yung Smeraldo flower napakaganda no?" What? kanina pa sya nandyan.

"Alam mo rin yan?" Gulat kong tanong. Tumango sya at ngumiti hindi ko alam pero parang ang weird ni Regil ngayon. Wait ano 'to bati na kami no way.

"Nakakatampo nga kasi sayo lang meron Smeraldo flower sa ibang terrace wala akong makita maski dito sa terrace namin" napakunot naman ang noo ko. So ibig nya bang sabihin special ang kwarto ko hehe well totoo naman.

"Ah Dale tara na kumain na tayo.. ikaw pala Regil excuse ko lang si Dale kain lang kami" Ngumiti naman si Regil at sumunod na ako kay Shane papasok.



______



Nandito ako ngayon sa dalampasigan sa may batuhan. Gusto lang mapag-isa naguguluhan na kasi ako sa sarili ko parang gusto ko nalang mawala bigla.

Kumuha ako ng bato para ibato sa dapat dito ko nalang ibubuhos lahat ng galit ko kay Regil. Okay i admit it na nakita ko syang nakikipaghalikan doon sa babaeng kasama nya sa kwarto kaya ako umiiyak pababa nun. Ewan ko parang sumakit yung puso ko non.


I was in love with love (BoyxTransgender) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon