Naglalakad ako papunta sa bago kong papasukang school, dahil ngayon ang start ng klase at excited na akong makita ang Ellison's University.
May nakita akong napaka laking green na gate. "Ito na ba iyon?" manghang tanong ko saking sarili.
Sobrang laki ng Elison's University at napaka ganda pa nito.
May lumabas na guard at tinanong ako. "Ah ma'am excuse po, bagong student ka po ba?" tanong ni manong guard.
"Ah opo, ito na po ba ang Elison's University?" tanong ko kahit na obvious naman, hehe.
"Ah opo, ito na nga po iyon" sabi ni manong guard.
"Thank you po" masigla kong sabi kay manong guard
"Ay manong guard wag mo na po pala akong i-po at opo hehe." sabi ko
Ngumiti lang si manong guard. Infairness cute si manong guard haha. Ano ba yan pati ba naman guard.
Papasok na sana ako sa university, kaya lang may biglang sumulpot na lalaki at nag ka banggaan kami.
"Ay sorry po, sorry po talaga" sabi ko habang yumuyuko ng paulit-ulit.
"Hindi kasi tumitingin sadinadaanan eh!" galit na sabi nito
"Nag-sorry na nga ako diba? Hindi ko naman kasalanan kung nag-ce-cellphone ka habang naglalakad at hindi din naka-tingin sa daan!" galit din na sabi ko.
"Tss! Whatever!" sabi pa niya at nag lakad na palabas sa school.
Hay nako, mukang unang-araw na unang-araw ko dito sa school na'to may kaaway na kaagad ako ah?
Dumiretso nalang ako sa paglalakad at hinanap ang faculty office.Nang makarating ako sa harap ng faculty office, kumatok agad ako.
May narinig naman akong sumigaw ng "Come in!" binuksan ko agad ang pinto at pumasok.
Nakita ko ang isang babae na naka-upo habang may ginagawa.Nang makita nya ako ngumiti sya at tumayo.
"Good morning hija, ako nga pala si Ms. Yoona Min ang head ng faculty office. What can I do for you?" sabi nito pero hindi parin nawawala ang mga ngiti sa kanyang labi.
"Ahm good morning din po Ms. Min, andito po pala ako para po ibigay ang mga papers na kailangan sa pag-transfer ko po dito." naka ngiti ko ring sabi.
"Oh ikaw pala ang new student. Halika at maupo ka." sabi pa nito
Ginawa ko naman ang kanyang sinabi, lumapit ako at umupo. Inabot ko na sakanya ang mga papeles ko.
"Hmm, I see" sabi nya habang tinitignan ang mga ito.
"So, you're top student in your previous school?" tanong nya
"Ah opo" sagot ko
"Ah, I forgot to ask. What's your name hija?"
"Aesha Stefanie Lee po."
"Oh? Nice name" naka ngiting sabi nito.
"Hehe thank you po"
"Ah, wait lang Aesha hahanapin ko lang ang section mo." Ms. Min
Tumango nalang ako.
Binuksan ni Ms. Min ang isang drawer sa gilid nya at hinanap ang section ko.
Maya-maya......
"Your section is A2. I'll give you a map of our school to find your room.""Thank you po" sabi ko at tumayo.
"Bye po Ms. Min" pagpapa-alam ko.
"Bye, see you around." naka ngiti nyang sabi.
Lumabas na'ko sa faculty office pagkakuha ko ng map at section ko.
Habang hinahanap ko ang room A2, bigla akong naka ramdam ng gutom, kaya pumunta na muna ako sa cafeteria.Nang makarating na'ko sa cafeteria ay agad akong pumunta sa counter at um-order.
Pagtapos kong um-order, maghahanap na sana ako ng table ng biglang mag tilian ang mga babae dito sa loob ng cafereria.
May pinag-kakaguluhan sila dun sa may bandang entrance nitong cafeteria.
Hayst ano kaya 'yun? Tanong ko saking isipan.
"OMG! Ang Bangtan nandito!" narinig kong sabi ng isa sa mga babae dito sa loob ng cafeteria.Hayst, bahala na nga yun kung sino man yun, basta ako kakain na.
Umupo na'ko at nag-simulang kumain.
After 20 minutes tapos na'ko kumain.....
"Hayst busog na busog na'ko. Thank you Lord." Sabi ko habang naka-ngiti
Maya-maya tumunog na ang bell, dali-daling lumabas ang mga studyante dito sa loob.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~So ayan ang first chapter. Wala nang Prologue-Prologue haha.
Hope you like it.