Kabanata 12

359 17 1
                                    

-UnEditted-

Kabanata 12

Atleast

I can't stop smiling while thinking David. He's coming home tomorrow and I can't help but to feel excited. I miss him so much! I want to hug him right now.

"Pati ba raw si Kenjik ay dito mag-babakasyon?" biglaang tanong ni Queen.

I looked at her playfully "Bakit gusto mong malaman?"

Hindi naman sa pag-fefeeling. Pakiramdam ko lang ay may namamagitan sa kanila. Well, I don't know. I don't want to ask her too. Panigurado naman itatanggi niya iyon.

She look so shock. Hindi agad siya naka-imik. Natawa na lang ako sa reaskyon niya bago siya sinagot "I'm not sure."

Sa tuwing tinatanong ko kasi si David kung kasama ba niya ang kapatid niyang dumating dito'y nagagalit siya.

"Why are you always saying his name? Ako ang nandito. You should be stick to me!"

Natatawang napapailing na lang ako sa kabilang linya.

"I'm just asking." i shrug my shoulder "Huwag mong pag-isipan ng iba."

Sa huli ay hindi din niya nasasagot ang katanungan ko. Ganun siya kagaling mag-iba ng usapan.

Kinahapunan ay dumating sina Nanay at Kevin. Nagpa-iwan si Kenneth sa San Fuerto para daw mag-bantay sa bahay. Sa una'y umalma ako ngunit sa huli'y wala akong nagawa.

"Nay!" salubong ko sa kanila. Nag-mano ako 'saka sila tinulungan sa iba nilang gamit.

Nag-kamustahan kami at inihatid ko muna ang mga gamit nila sa Maid's Quarter sa second floor kung saan ako mag-isang natutulog. Habang sila'y iniwan ko muna sa kusina para kumain.

Alam na iyon ni Madam Rhiana ang pagdating ni Nanay. Siya din ang nag-pahanda ng makakain ng mga ito, tumulong lang ako kay Nay Lita. Nag-usap si Madam at Nanay na para bang dating mag-kaibigan. Hindi ko sila masisisi. Si Madam ang nag-paaral sa kay Nanay. Nagkaron man ng tampuhan sa kanilang dalawa ngunit mukhang napawi na iyon. Time... iyon lang naman talaga ang tanging paraan upang mapatawad mo ang isang tao.

"Ang ganda dito Ate ano? May aircon pa." patuloy si Kevin sa paglilibot ng buong second floor.

Tipid naman akong tumango bago siya niyaya sa baba. Hindi pa kasi si Kevin pormal na nakikipag-kilala sa kayna Queen at Joe. Nanatili kasi si Nanay sa loob ng mansyon, tumutulong.

Naabutan namin ni Kevin si Queen at Joe, mag-katabi sa sopa habang nanunuod ng isang kilalang hollywood movie. Napalingon sila sa gawi namin ng maramdaman ang aming presensya.

Tumayo si Queen at agad na sinalubong si Kevin "Kapatid mo?" tanong nito.

Nakangiti akong tumango. Obvious naman iyon dahil pareho kami ng mata ni Kevin. Bahagyang may pagka-singkit kahit na wala namang ibang lahi.

"Ang gwapo! Hello! Ako nga pala si Queen, kaibigan ng Ate mo."

Masiglang ngumiti si Kevin sa kay Queen na mas lalong ikinatuwa ni Queen.

"Grabe! Ang gwapo mong bata ka. Hintayin ko paglaki mo ha?" biro pa nito na ikinatawa namin, pati na ni Joe.

"Joe si Kevin, kapatid ko."

"Hi! Joe." tinapik nito ang balikat ng aking kapatid.

"Magandang hapon po."

May ilang kwarto sa taas kaya naman tig-iisa kami ng kwarto nina Nanay. Ngunit sa kasamaang palad ay sa kwarto ko natulog si Kevin, hindi daw siya sanay na mag-isa. Pakiramdam daw niya'y may nakatingin sa kaniya.

Unknown Mistake (Raquel Boys Series #1)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon