"Pag-asa ng bayan DAW?"

4 4 0
                                    

"In one torch we are different flames, whose fire burns for legacy and change."-CSHS

Kapansin-pansin ang mga isyung bumabalaytay sa ating mga kabataan bilang simbolo ng ating pag-asa sa ating lipunang kinasasadlakan. Maraming mga balakit at suliraning bunabagtas sa daang patungo sa liwanag kasabay ng bawat paghakbang ng mga aninong magiging haligi ng lipunan sa darating na mga araw. Magiging matatag din sila... sana nga, at kung dumaan ang araw na yaon, maghahalo ang balat sa tinalupan.

Nakapagtataka ba? Nakapagtataka ba kung bakit ganito ko sinimulan ang aking lathalain? Kyuryosidad mo ba'y gumagana sa pagkakataong ito kaya pinagpapatuloy mong basahin ang sanaysay na ito? Ang bawat salita ba na namutawi sa mga naunang pangungusap ay nagbibigay ng pahiwatig na magpatuloy ka dahil ika'y may matutunan? Kung ganoon hayaan mong pasalamatan kita at salubungin ng masigabong palakpakan dahil wala kang maasahan sa sanaysay na ito na makakatulong sa pag-unlad ng lipunan dahil ako'y nilalang lamang at isang pakain ng aking mga magulang. Pagkamuhi't pag-aalinlangan ba'y nahahalata na sa iyong mukha, teka, sandali lang, kabataan lang din ako na may mapaglarong isip at inosenteng tinatahak ang lugar kung saan man tinawag ng Poong Maykapal.

'Headset' na nakalagay sa aking dalawang tainga habang pinapakinggan ang kantang 3AM ni Meghan Trainor sa aking 'mobile phone,' kasabay ng mga ala-alang pilit na nagpapapansin sa aking isipan.

"Mamaya na yan!" sigaw ng aking isipan.
"Teka lang,mamaya na nagbabasa pa ako ng "Taste of Sky" sa 'Wattpad,' makakaabala ka lang sa 'mood' ko sa pagbabasa," sabat naman ng aking makamundong pag-iisip. Nakakabaliw naman,        kinakausap ko ang aking sarili pero ano nga bang nais ng isang parte ng aking isipan? Kung aabisuhan na naman akong mag-aral nang mabuti, gumawa ng mga takdang-aralin at maglinis ng bahay, 'wag na, dahil sawang-sawa na ako. Teka kinakausap ko na naman ang aking sarili, marahil wala naman talagang balak na kumausap sa'kin. Nawawalan na rin ako ng pag-asang mabuhay pa.Ayoko na.

"Anak, maghapunan ka na," sabad ng aking ina dahilan upang magising ako mula sa malalim na pag-iisip.
"Opo, Nay," tanging naisagot ko na lang.

Habang ako'y naglalakad papunta sa aking paaralan, nakakita ako ng mga paslit na bata papunta sa paaralan. Bakas sa kanilang pananamit at pisikal na pangangatawan ang estado ng kanilang buhay: payat na pangangatawan, gusot na uniporme, at matamlay na pagkilos. Siguro nga ako'y naawa, at napansin ko na lang ang aking sariling paulit-ulit na binibigkas sa aking balintataw ang katanungang: "Ito nga ba ang tinatawag na pag-asa ng bayan?"

a/n:Lathalain ko po ito mula sa aking isang asignatura.Nais ko lamang ibahagi ito.

Compilation of "My Stuffs"Where stories live. Discover now