"Dom Fortez!" Agad akong bumalik sa sarili nang may sumigaw sa akin.
"Jennette..."
"Ayos ka lang? Kanina ka pa tulala, ah?" Huh? Kanina pa?
"Kain na daw tayo. Nasaan ang fiance mo?" Ewan ko. Nasaan nga ba yun? Nandito lang yun kanina.
"Nandito na ako." Napatingin kami kay Kim.
"Kim." Nasabi ko nalang.
"Yes, bata?"
"Kain na daw." Tumango naman siya.
"Okay. Halika na?" Nilahad niya ang kamay niya. Tinanggap ko ito. Akala ko tutulungan niya lang akong tumayo pero di niya binitawan ang kamay ko hanggang sa pumunta kami sa hapag kainan.
"Oh! Kumain na kayo!" Ang ingay ng mga pinsan ko ang bumungad sa amin.
"Baka maubusan kayo!"
"Marami pa dito!"
"I hate crowded places." Komento ni Kim.
"So am I." Nagkatinginan kami. Nilagay niya ang kamay ko sa balikat niya habang magkahawak parin kami ng kamay.
"Come on. Kina Edgar nalang tayo makikain." Sabay talikod namin.
"Huh? Bakit sa kanila? Bakit ka pag may problema, si Edgar lagi ang tinatakbuhan mo."
"Because he can't resist me." Nairita naman ako sa sagot niya.
"Ano bang meron sa inyo ni Edgar?"
"Nothing."
"Di ako naniniwala sa nothing nayan."
"Wala nga. Workmates ko lang siya." Tumigil ako sa paglalakad kaya natigil din siya. Kinuha ko ang braso ko mula sa kanya at tiningnan siya ng masama.
"Workmates?! But why he can't resist you, huh?!" Sabi ko at umalis. Bahala siya diyan! Gusto niya si Edgar?! Ede, doon siya kay Edgar. Pakialam ko naman.
Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Edgar na kasama si Trisha.
"Oh? Dom, nasaan si-"
"Nandoon!" Sabay turo ko sa bahay. Alam ko naman kung sino ang hinahanap niya. Napatingin ako kay Trisha. Di siya makatingin sa akin. I need to clear something here.
Naglakad ako papunta kay Trisha at hinila siya paalis doon.
"Teka, kuya."
"Dom, ano bang ginagawa mo?" Takang tanong ni Edgar sabay hawak sa kamay ni Trisha.
"We just need to talk." Mariin kong saad.
"Tungkol saan?"
"It's none of your business. So, back off. Nandoon si Kim. Siya ang kausapin mo." Saad ko at hinila si Trisha paalis doon.
"Ano ba, kuya? Nagugutom na ako, eh." Saad niya at pumuot nang makalayo na kami sa bahay.
"Bakit di mo ako pinapansin? Ba't di ka bumalik sa bahay? Pinapatawad na naman kita, eh."
"Kuya, una po sa lahat. Papansinin ko naman kayo kung nagpapapansin kayo, di ako bumalik sa bahay mo kasi di ko naman alam kung nasaan yun. At di ko kaylangan ng 'pinapatawad' mo dahil wala naman akong kasalanan sayo."
"Trisha, huwag ka na mang ganyan. Alam kong masama ang huli nating pagkikita pero may pinagsamahan naman tayo, tumira tayo sa iisang bahay, nag-"
"Kuya, tigil muna." Tumigil naman ako sa pagsasalita. "Siguro hindi ako ang dapat kausapin mo tungkol sa bagay nayan. Sabi mo tumira tayo sa iisang bahay na never ko namang naalala. Ang dapat mong kausapin ay si ate Kimmie."
Kimmie? Paano napasok sa usapan si Kimmie?
"Di ko kasi maipapaliwanag sayo. Dahil basi sa naaalala ko. Ang huli nating pagkikita ay yung nasa park tayo at nahimatay ako."
Mahina naman akong natawa. "Paano naman na mahihimatay ka, eh si Kimmie nga yung nahimatay."
"Hushh! Di ko talaga ma explain. Si ate Kimmie ang magpapaliwanag sayo. Sumasakit ang ulo ko, eh." Aakmang lalagpasan niya ako ngunit hinawakan ko ang kamay niya at lumuhod ako para magkapantay kami. Niyakap ko siya.
"Is this kind of joke. Trisha naman. Alam ko ang mga sinabi ko sa iyo pero please kalimutan mo nayun."
"Di ko alam anong pinagsasabi mo, kuya." Irita niyang sabi.
"Alam ko." Nag angat ako ng tingin kay Kim na sumusulpot. Para siyang si Trisha na laging sumusulpot na parang kabute.
Tumayo ako ng matuwid at tiningnan siya ng seryoso.
"Ba't ka nandito? Nakikita mo bang mag uusap kami ng masinsinan?"
"Gusto mong mag usap ng masinsinan? I'm your fiance. Kaya di ako magtatago ng sekreto sayo." Tiningnan ko lang siya. Agad nagdilim ang paningin ko nang nakita ko si Edgar sa likuran niya. Ano bang ginagawa ng lalaking yan?
"Di ikaw ang kaylangan kong makausap." Tumalikod ako sa kanila at nagsimula ng maglakad.
"Trish, please... Leave me alone." Agad akong napatigil sa sinabi niya. Pinapaalis niya si Trisha. Nilingon ko sila pero nagulat ako nang sa akin sila nakatingin. "If you're smart, you'll forget that I exist." Kumunot ang noo ko sa pinagsasasabi niya. "Chanak iyan ang palagi mong tawag sa akin." Saad niya.
"Kaylan man hindi kita tinawag na chanak, si Trisha ang tinatawag kong chanak-"
"Ako si Trisha, Dom!" Irita niyang sabi. Tumaas naman ang kilay ko.
"Baliw ka ba? Hindi ikaw si Trisha. You know what? Mukhang kaylangan mong maibalik sa mental." Sabay iling ko. Seryoso naman niya akong tiningnan.
"Wala ka ng pag asa, Dom." Saad niya at bumuntong hininga. "Aalis ako pagkatapos ng kasal natin next week."
"Ano?! Next week?! Agad-agad?! Sino namang nagdesisyon niyan?!"
"Ako. May trabaho ako, Dom at wala akong oras sa isang bata na di ako maintindihan." Sabay ikot ng mata niya at nag walk out.
"Naniwala ka sana sa kanya." Sabi naman ni Trisha at umalis.
BINABASA MO ANG
My matured wife in a 8 year old body
Teen FictionShe's my fiance in a 8 year old body. Para siyang nakulong sa isang katawan ng bata. Matured siya mag isip. Baka nga may magic na naganap para makulong siya sa isang bata